chapter 11

24 2 0
                                    

Gaya nga ng pinangako ko kay Ara ay sagot ko ang lahat ng pagkain niya sa araw na ito. Syempre matapos naming tumambay sa booth at nakaluto din naman ako ng taco ay tumakas na kami papalabas ng school. Nakacasual naman kaming damit ngayon kaya hindi kami mapagkakamalang mga estudyanteng nag cutting.

Napatingin naman ako sa kanya habang pinagmamasdan ang peryahan. Nadaanan ko kasi to noong patungo ako sa school nung nakaraan kaya napagplanuhan kong bisitahin.

Iba na nga ata ang tama ko eh. Kasi tuwing nakakakita ako ng magandang tanawin ay ang tanging tumatatak sa isipan ko ay sana kasama ko si Ara na pinagmamasdan yun. Pati ata pagkain siya ang naiisip ko. Inalis ko na muna ang problema ko tungkol sa pamilya at kay Celestia. Pwede pa din naman ata ako maging masaya.

Inoffer ko naman sa kanya ang kamay ko para makapasok na kami dahil nakabili na kami ng all-access na ticket. Pero iba sa inaasahan ko ang nangyari dahil natatawa niya lang iyong pinalo. Napangisi na din ako kasi wala man lang syang kasweetan sa katawan para sa akin. Sakit lang ata talaga ang nakalaan para sa akin.

'Tara naaa' pang aaya niya sa akin. Nauna siyang naglakad sa akin kaya natatawa na din akong sumunod sa kanya.

Lumapit naman siya sa may bilihan ng mga headband. Para naman siyang batang namimili doon kaya syempre binilhan ko na. Talagang tatay ba talaga role ko sa buhay?

Sinuot niya ang headband na may tenga ng rabbit. Natatawa din naman siyang kinabit ang katulad ng kanya sa buhok ko.

Bigla ngang huminto ang paligid nang inayos niya ang buhok ko nung bahagya akong yumuko para maabot niya ang ulo ko. Sinuklay niya gamit ang kamay ang medyo mahaba kong buhok. Naramdaman ko namang may pumitik sa bandang dibdib ko.

Napangiti nalang ako dahil si Ara lang ang nakakapagpasaya sa akin ng ganto. Akalain mong pwede palang maramdaman ang pisikal na sakit sa sobrang galak ng puso tuwing pinagmamasdan ko siyang seryoso sa ginagawa.

Nagpicture naman kaming dalawa saka pumili ng rides. Akala ko nga ay uunahin niya ang mga nakakatakot na rides pero ewan ko ba kung bakit tatlong beses na kaming nakasakay sa carousel.

Tuwang tuwa naman si Ara na parang bata. Napailing nalang ako sa babaw ng kaligayahan niya. Si Ara ang tipo ng babaeng naaappreciate ang mga maliliit na bagay. Hindi materialistic at walang arte sa katawan. Nagmamaganda lang siguro kapag kasama ang crush niya kahit na totoong maganda naman siya.

'Hoy kain na tayo' pang aaya niya sa akin nang mahinto na pala ang mga kabayo. Natulala pala ata ako sa kakaisip.

'San mo gusto kumain?' tanong ko sa kanya at nahihiyang bumaba sa mga kabayo. Napapayuko tuloy ako kapag pinapasadahan kami ng ibang gustong sumakay din bitbit ang mga anak nila.

Opo alam ko pong nakakagulat na sumakay ako sa carousel sa kalalaki kong tao.

Natigilan naman ako ng naramdaman ko ang kamay ni Ara. Hinawakan niya ang kamay ko kaya wala ng mas makakagulat doon.

Lumingon tuloy siya sa akin dahil hindi niya ako mahila. Nagtama naman ang mga tingin namin saka ko binaba sa mga kamay naming magkahawak.

'Dito nalang tayo kumain. May mga hotdog naman dito diba? Dali na nagugutom na ako' pagrereklamo niya. Hindi man lang siya naapektuhan sa pagkakahawak ng aming mga kamay.

Pilit kong binalik ang wisyo at umiling dahil kailangan kong sagutin si Ara.

'Ang laki kasi ng bulate sa tiyan mo. Ang takaw kumain pero hindi naman tumataba' natatawa kong pang aasar sa kanya.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon