chapter 8

23 2 0
                                    

Nagsimula na ang prepasyon ng school para sa foundation week at valentine's day. Pero hindi pa rin naman natitigil ang mga klase, talagang madalas lang ay maaga kaming pakawalan ng mga guro.

Napayuko naman ako sa lamesa dahil nahinto sa paglalaro. Economics ang subject ngayon pero hindi ko alam kung bakit panay ang tanong ng guro ngayon ng pagtatagalog sa ilang mga salita.

Napapakamot nalang ako sa ulo sa posibilidad na tawagin niya ako.

'Ano sa tagalog ang chalk?' tanong ng guro sa harapan. Syempre nakisabay sa pagyuko ang mga katabi kong lalaking kaklase na mga panggulo din.

'Miss Contreras' napangisi naman ako ng kaonti dahil tinawag si Ara. Kung hindi ako nagkakamali ay inantok yun dahil natagalan sa pagtayo at sagot. Madalas naman kasing pagtripan ng mga guro ang hindi nagbibigay atensyon sa klase kahit na may nagtataas ng mga kamay.

'Tisa?' Napasapo naman ako sa noo sa sinagot niya. Pinipigilan kong tumawa sa sagot niya. Saan niya naman nahagilap yun. Tisa?

'Mali. Sit down' napayuko akong muli dahil nandyan na naman tayo sa paghahanap ng mabibiktima ni maam.

'Mister Hermann sagipin mo si Miss Contreras' bago pa ako nakapag angat ng tingin ay nadinig ko na ang pagkantsaw ng mga kaklase ko sa akin. Tumayo ako at pinagmasdan pati ang katabi kong mga kaklase na may nang aasar na tingin.

'Gago tigil niyo yan mawawalan kayo ng mvp' pagbabanta ko sa kanila. Madalas kasi kami nitong magkasama sa laro. Tinignan ko naman si Ara na nayuyuko ngayon sa bangko niya.

'Yeso po maam' agad kong sagot para makabalik na sa pag upo. Tumango naman si maam sa akin kaya umupo na ako. May iba pang nagpatuloy sa pagkantsaw.

Siniko ko naman ang katabi kong si Lito na medyo tabain na panggulo din sa classroom. Mapang asar pa din ang tingin sa akin ngayon na hindi bagay sa imahe niyang siga. Pero tiklop naman yan sa akin. Subukan niya lang ako nang matikman niya ang kamao ko.

'Kunwari ka pa boi gustong gusto mo naman' minasamaan ko siya ng tingin sa panghuhusga niya sa akin. Kahit naman sabihin kong medyo nagustuhan ko nga ng kaonti ay ayoko namang mapahiya ang bestfriend ko.

'Ulol mo' sagot ko sa kanya.

Bumalik ang tingin ko sa cellphone at nagsimula na kaming maglaro muli. Kung pwede nga lang pumatay ng kakampi ay pinatay ko na si Lito sa kabobohan niya. Binuwis niya daw kasi buhay niya para mapatay ko ang natitirang kalaban dahil nauna siyang namatay. Nag alibi pa talaga ang bobo. Syempre nanalo kami ng manok at ako ang mvp.

Tinapik niya pa ang braso ko at mayabang na tumango.

Madalas ko naman tong kasama. Kung hindi sa classroom na magkatabi at sa laro ay nagkikita kami nito sa unang bahagi ng araw sa guidance office. Dahil sa pagkalate.

Siguro kung may top 10 sa suki doon ako ang top 1 tapos ito ang top 2. Repapips ng mga estudyanteng pinagsasawaan ni Sir Marasigan.

'Tol alam mo bang may nagmamayabang sa mga 1st year?' nilingon ko siya habang nagsasalita pa rin ang guro sa harap. Panay lang naman ang talak nito tungkol sa demand.

'Hanggat walang ginagawang masama sa akin yan boi wala muna akong pake' ngumisi naman siya sa sinabi ko na maya maya pa ay may nginuso sa harapan.

'Sayo wala. Pero sa kay Ara meron' umayos naman ako sa pag upo at hinarap siya.

'Ay ibang usapan na yan boi' napapailing kong sabi sa kanya.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon