chapter 4

30 2 0
                                    

Wala ng mas gaganda pa sa tanawin kong mukha niyang nakayuko sa akin habang marahang hinihilot ang noo ko. Nakahiga ako sa hita niya at nakasilong kami sa ilalim ng puno ng talisay.

Gamit ang maliit niyang daliri ay inikot ikot niya iyon sa aking sentido. Gumiginhawa naman ang pakiramdam ko sa bawat paghaplos ni Ara.

Kanina pa nawala ang sakit ng ulo ko pero nagkunwari akong masakit pa rin iyon dahil nangako siyang hihilutin niya ang ulo ko.

'Sa bandang kilay ko naman' sinunod niya naman ang gusto kong mangyari na animoy boss niya sa araw na ito. Napapikit na ako nang idiin niya ang mga daliri sa medyo makapal kong kilay.

Nakangiti akong dinadama ang paghilot niya pero nahinto iyon bigla. Dinilat ko ang mata ko habang nakatingin siya sa malayo. Tinignan ko din ang nag agaw ng atensyon ni Ara.

Malayo si Klaudius sa banda namin pero mala agila naman ata ang mga mata ng babaeng to kung makatingin. Tapos na ang klase namin at syempre hindi ako pumasok. Alibi kong hindi ako nakauniporme kay Ara kahit pwede naman talagang pumasok. Kaya pagkatapos naming magtanghalian kanina ay naghintay lang ako sa kanya dito habang naglalaro ako.

'Kakatitig mo kay Klaudius baka matunaw na siya Ara' narinig ko naman ang pagngisi niya at mabilis na pagbawi dun. Pinagpatuloy niya naman ang paghilot sa noo ko.

'Matunaw man siya sa titig ko still kahit saan ako tumingin siya pa rin ang nakikita ko' napabangon naman ako at naririnding tinignan ang kacornyhan niya.

'Kadiri tong babaeng to. Anong pinagsasabi mo?' nanghuhusga kong tingin sa kanya.

Pinasadahan ko naman ng tingin si Klaudius na nasa field. Naglalaro pa ng football mukhang hindi naman marunong.

Nilingon ko si Ara na permanente na atang nakatingin sa field at bigla namang napapalakpak nang makascore ata si Klaudius. Syempre tumakbo takbo yun at nakipag apir sa mga kasama niya. Naswertehan ka ata boi.

Pinulot ko ang bag ni Ara sabay tayo. Nagtataka naman siyang tinignan ako.

'San ka pupunta?' napakamot pa ako sa ulo ko at nag isip kung saan nga ba kami tutungo.

'Kain tayo' umaliwalas naman ang mukha niya pagkabanggit ko ng pagkain. Katakawan talaga ng babaeng to.

Nauuna akong naglakad sa kanya habang palingon lingon siya sa may field. Tinitigan ko naman ang nakasalubong namin na si Felix. Huminto ako sa paglalakad at tama nga akong nauntog si Ara sa likuran ko. Syempre hinampas niya. Brutal talaga.

'Bat ka huminto? Nabangga tuloy ang ilong ko baka mapango pa ako Asterio!' hinarap ko naman siya at pinisil ang maliit ngunit matangos niya ilong.

'Kung totoong ilong mo yan hindi agad yan mapapango pwera nalang kung feeling mo bakal ang likuran ko' nagpose pa ako sa harapan niya at finlex ang katawan para makita niya ang lapad ng likuran ko.

'Wow ang hangin. Masyado kang mayabang' pinaypayan niya pa ang sarili niya. Natawa naman ako sa itsura niya dahil nililipad ng hangin ang nakalugay niyang buhok ngayon.

Binunot ko sa bulsa ang nabili kong panali kahapon at sinubukang ligpitin ang buhok niya. Panira kasi masyado sa view ko.

Nasa likuran niya ako at gamit ang malaki kong palad ay sinubukan kong pag isahin ang buhok niya. Syempre nag iwan ako ng ilang hibla sa gilid ng tenga niya.

'Hoy ang sakit!!!' pagrereklamo niya.

'Galaw ka kasi ng galaw!' sigaw ko sa kanya pabalik at natawa.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon