chapter 27

25 2 0
                                    

'What's the name of the boy?' tanong sa akin ni Stella habang nginunguso si Klaudius. Isang linggo na siyang nagtatrabaho dito at palagi naman akong kinukulit ni Stella. Imbes tanungin na mismo ang lalaki ay dinadaan pa talaga sa akin. Napangisi tuloy ako dahil marunong din pala siyang mahiya.

'Order a pasta and he'll make it for you saka tanungin mo siya ng pangalan niya' sabi ko sabay kindat sa kanya. Win-win situation yun. Malalaman niya ang pangalan ni Klaudius tapos kikita kami. Mautak.

Iniwan ko na si Stella doon at naglakad pabalik sa counter. Dumami nga ang customers namin kaya malaki ang tulong ni Klaudius. Si Ijka ang kumukuha ng mga order at nagsasalitan naman kami ni Klaudius sa paghahatid ng inumin o pagkain at paglilinis sa mga lamesa.

Ginawa nga ni Stella ang sinabi ko sa kanya kaya binugaw ko na si Klaudius na gumawa ng pasta pati paghatid sa order nito. Para tuloy akong si kupido na nanonood sa kanilang dalawa. Nakapangalumbaba akong pinagmamasdan sila. Pinamumulahan ng pisngi si Stella habang tinatanong na nga si Klaudius. Natagalan nga ang lalaki dun kaya matagumpay siguro ang plano ni Stella. Siniko naman ako ni Ijka kaya natigilan ako.

'Tipo ni Stella?' kuryoso niyang tanong. Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi niya. Malay ko ba sa takbo ng utak ni Stella basta ba ay hindi na ako ang kinukulit niya.

Natatawa naman akong sinalubong si Klaudius na napapakamot sa batok niya. Tinapik ko ang balikat niya na animoy galing siya sa isang gyera at hindi maintindihan ang mga nangyayari.

'Kumusta?' tanong ko sa kanya na nakangisi pa din. Nagtataka ang ekspresyon niya habang malalim ang iniisip. Napansin ko naman si Stella na mas huminhin ang kilos lalo na ang marahang pagkahawit ng takas na buhok sa likod ng kanyang tenga.

'Sabi niya bubuyog ba daw ako' aniya kaya pati ako ay natigilan at hindi maintindihan ang sinabi niya.

'Bakit daw?' tanong ko sa kanya.

'She wants to be my honey' bigo naman akong mapigilan ang tawa kaya napahawak pa ako sa tiyan kong tinawanan na nga sya. Puta ang corny.

'Keep it up hahaha hindi ka titigilan niyan Klau' banggit ko sa kanya saka siya iniwan. Naisip ko tuloy kung ano din kaya magiging reaksyon ng ibang tao kapag narinig nila ang kacornyhan ko kay Ara.

Pinulot ko ang cellphone ko para itext siya habang naglalakad patungo sa staff room. Hindi ko naman intensyon na sirain ang pagbabakasyon niya pero talagang hindi ko maiwasan ang pambibwesit sa kanya. Ang cute kaya kulitin ni Ara para akong nakikipag away ng elementary student. Namiss ko tuloy siya.

Ako:
What are you doing babygirl? I miss you

Nagpipigil naman akong kiligin matapos kong pindutin ang send button. Naisip ko lang din na tawagin siyang ganun pero hindi naman palagi. Ayoko din namang masanay at baka mabulyawan niya ako pagkauwi niya sa pagiging corny ko.

Ara 💜:
Maliligo kami sa beach. Neknek mo

Natawa pa ako sa pambabara niya sa akin. Bahagya pa akong napahawak sa bandang dibdib ko at nagkukunwaring nasasaktan pero nakangiti. Iba talaga epekto ni Ara sa akin. Kinikilig pa din ako.


Ako:
How i wish andyan ako. Be safe always and protect your skin from the sun.

Bilin ko sa kanya. Napasandal tuloy ako ng ulo sa may dingding habang nakaupo na. Natulala ako kung gaano kaganda kung kasama ko siya sa isang beach ngayon. Mangangarap nalang muna ako.

Ara 💜:
Magsusunog nga ako ng balat. Tyl Asterio the beach beats you now. I'll take a dip

Ako:
Enjoy Magindara

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon