chapter 30

28 2 0
                                    

Namumula ang mga balat namin pagkauwi kinabukasan dahil sa walang hintong pagdadiving at pagbibilad sa init. Madaling araw kaming umalis sa resort pero nakarating ako sa bahay ng mga alas otso. Deretso akong umakyat sa kwarto ko at binagsak ang katawan. Kahit na medyo nakaaidlip naman ako sa biyahe at nawalan ng pake kay Raein ay inaantok pa din ako.

Nakataob ako sa kama habang pikit na ang mga mata. Napaisip pa din ako ng hindi tama sa ginawa kaya pinilit na bumangon para hubarin ang pang itaas na damit at pantalon. Gumapang ako pabalik sa kama para mamahinga.

Alam mo yung feeling na pagod na pagod ang katawan ko pero andami namang iniisip ng utak ko na parang ayaw mamahinga. Nakarinig ako ng ingay sa labas pero di man lang ako natinag. Imposibleng papasukin kami ni Klaudius na naman dahil kung may sadya siya ay pwede niya naman akong deretsuhin at hindi na sa pamamaraan ng pag iiwan ng kakarampot na mensahe sa katiting na papel.

Agad nagring ang cellphone ko kaya dahan dahan kong inabot iyon habang pikit pa din ang mata. Naasar naman akong hindi ko mahanap kaya bumangon nalang ako sa kabobohan ko. Pinulot ko ang pantalon sabay binunot ang cellphone sa may bulsa. Tumatawag si Gaston.

'Anong balita?' Walang gana kong tanong sa kanya habang napapakamot ng batok. Hindi ganito ang inaasahang estado ko sa pagtanggap ng magandang balita galing sa kanya.

'Mission complete Asterius' nakapikit akong tumango matapos marinig ko ang sinabi niya.

'Sinigurado mo bang wala kang malubhang nasaktan Gaston?' paninuguro ko sa kanya.

'May mga nasugatan lang pero wala namang nabawian ng buhay Asterius. Nandoon ako sa barko at isa ako sa nagbigay babala sa kanilang tumalon sa laot habang maayos na sinagip ang bawat trabahante gamit ang speed boat patungo sa pinahanda mong maliit na barko' deretso niyang sabi na mas nagpagaan ng nararamdaman ko. Cargo ship lang naman iyon kaya hindi madami ang tao sa loob.

'Mabuti kung ganoon, drop ko nalang sa account mo. Salamat ton' huling banggit ko bago ko ibinaba ang tawag.

Nilapag ko ang cellphone sa kama pero tinitigan lang iyon. Hindi ako makapaniwalang nakagawa ako ng isang bagay na ikasisira ng pamilya ko pati ng mga Juarez. Alam ko ang kadungisan nila at kung may paraan akong punasan ang kaonti doon ay siguro mapagbibigyan ko pero hindi aabot sa punto na susuportahan ko ang kawalaghiyaan nila.

Agad na may humampas sa pintuan ng kwarto ko. Inaasahan ko ang ganyang reaskyon pero hindi ganito ka aga. Walang gana akong naglakad patungo doon at pinihit ang hawakan ng pinto.

Mukha ni Sire na galit ang bumungad sa akin. Agad niyang hinawakan ang leeg ko pero napangisi lang ako. Am i getting choked?

'Kagagawan mo ba ito Asterius?' nanggagalaiting sabi niya sa akin. Narealize ko tuloy na antagal na pala naming hindi nagkita. Bukod sa mga dagdag na kulubot sa kanyang balat na nagpapahiwatig ng katandaan ay wala pa din siyang ipinagbago. Palaban pa rin pagdating sa negosyo.

'What are you talking about Dad?' seryoso ko lang sabi saka kinalas ang kamay niya sa leeg ko. Panigurado akong pinamumulahan na naman ang parteng yun dahil sa higpit ng hawak niya kanina.

Huminga siya ng malalim sabay nilagay sa mga bulsa ang dalawang kamay. Umiwas siya ng tingin sa akin dahil bigong sumakto ang pamamaratang niya.

'Pag aralan mo na ang negosyo dahil ikaw din naman ang magmamana ng lahat. Subukan mong magsalba ngayon nang masukat ko ang kakayahan mo' deretso niya lang sabi at tinalikuran nalang ako. Napangisi lang ako sa sinabi niya kasabay ng pag iling. Talaga bang aasahan niya ako sa bagay na yan? Baka kinabukasan hindi problema ang salbahin ko kung hindi ang pagkatao ko lang.

Susundan ko sana siya patungo sa opisina niya pero napakaimpormal naman kung maglalakad akong nakaboxer papasok doon kaya bumalik ako sa kwarto. Kumuha ako ng bagong pares na mga damit sa closet at nilakad na nga ang kanyang opisina.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon