chapter 31

21 1 0
                                    

Napahagikhik si Felix sa sinabi ko. Nakayuko siyang nakalingon sa bandang kanan habang tanaw ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat pati ang tanda kong nunal niya sa kanyang sentido. Masyado ata syang natuwa sa sinabi ko.

Nakakuyom na ang kamao ko habang nagpipigil sa kanya. Tumigil sa pagtawa si Felix saka dahan dahang inangat ang tingin patungo sa akin. Nagtama pa ang mata namin ng ilang segundo saka ko nakuha na siya pala ay bumibwelo. Agad naman akong nakailag sa pakawala niyang suntok. Agad lumusob ang mga kasama niya patungo din sa kela Lito. Umatras ako ng isang beses para maayos ang postura ko habang tinatagilid ni Felix ang leeg niya.

'Matapang ka Hermann?' nayabangan naman ako sa panghahamon niya. Dinig ko na ang suntukan gawa ng mga kasamahan ko pati ng grupo ni Felix pero hindi ako nagpatinag.

'Ganyan ba ang pakiramdam ng nasa tuktok Felix? Makuha mo man ang lahat ng gusto mo pero hindi dito. Sumobra na kayo sa paggawa ng pangalan. Tandaan mong kung sino ang nasa taas ay bababa' bitaw ko na nagpagalit sa kanya. Sinubukan niya akong tadyakan na napagtagumpayan niya naman pero masyadong mahina para ako ay mapatumba sa lupa. Kaya nang dahil sa ginawa niya ay umikot ako para mas malakas ang bwelo kang pagsipa na tumama sa ulo niya.

Napasigaw siya sa atake ko habang namimilipit at pikit ang isang mata.

'Kaonting yuko pa ng ulo mo Felix mahahalikan mo na ang tuhod ko' natatawa kong sabi sa kanya. Namalayan ko naman ang paglusob sa akin ng isang kasamahan niyang agad kong sinipa ng kaliwang binti ko kaya nakahanap ng tiyempo si Felix para makatayo ng maayos at bawian ako.

Umilag ako nang suntukin niya na naman pero hindi niya ako hinayaan at sumunod din ang isang kamao niyang tumama sa tiyan ko. Napaubo ako sa ginawa niya pero agad ding nakabawi. Sinipa ko paharap ang tiyan niya din kasunod ang isang suntok.

May humila naman sa likuran ko kaya hindi ko agad nasundan ang pagbugbog kay Felix. Tangina bakit parang pinagtutulungan nila ako. Lumipat ang tingin ko sa mga kasamahan ko at nakita si Rey na pinoprotektahan ni Klaudius. Duguan na ang nguso ni Rey.

Sinapak ako ng lalaki kaya napaatras ako patungo kay Felix. Hinila agad nito ang kwelyo ko nang napakahigpit.

'Huwag mo kong susubukan Asterius dahil matagal na akong nagtitimpi sa pamilya mo. Tapos na ang mga araw na pinagmamasdan lang kita sa malayo dahil panahon na para paglaruan na kita sa platito' pinakawalan niya ang kanang kamao kaya napayuko akong saglit mula sa lakas ng sapak niya. Dumura ako ng dugo. Nanibago pa ako sa lasa ng kalawang mula sa aking labi. Tinitigan ko siya ng masama saka ako umayos ng tayo at siniko ang lalaking nasa likuran ko. Dumiretso ako kay Felix muli at ilang beses kaming nagsalitan ng suntukan hanggang sa natumba ko siya sa sahig. Dinaganan ko ang lalaki at hindi na ako nagsayang ng oras pang bugbugin siya pero mas naasar lang ako ng ngisihan niya lang ako kahit duguan na ang mukha.

Hinila ko ang kwelyo niya at nilapit sa mukha ko ang bugbog na mukha. Nadinig ko pa ang bahagyang pagkapunit ng tela pero hindi ko iyon inalintana.

'Nagpapatawa ka ba? Ilang laro na ang naipanalo ko Lauron. Kahit ilabas mo ang alas mo, hindi ako magdadalawang isip na kalabanin ka pa rin. Wala akong panahon magmukmok kung naglalakad lang pala ng malaya ang katulad niyong mamatay tao at gumagamit ng damo' napapikit ako nang duraan ni Felix ang mukha ko. Pinunasan ko naman iyon gamit ang ibabang bahagi ng polo niya.

'Subukan mo Asterius. Kung yan ang paninindigan mo, subukan mo ding ligpitin ang tatay mo' bago niya pa sundan ang sasabihin ay sinapak ko na siya ng dalawang beses. Pero bago ko pa mapagtagumpayang sirain ang bungo ng lalaki ay may humampas na ng kahoy sa likuran ko. Namilipit ako sa sakit habang napabaluktot sa lupa. Isang beses pa akong hinampas nun sa likuran. Nahagip pa ng mata ko ang mukha nung lalaking nakasuntukan namin dati.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon