chapter 38

10 1 0
                                    

Napaatras ako sa isinawalat ni Sire. Panigurado akong hindi lang buhay ko ang nanganganib ngayon kung hindi pati na din kay Gaston.

'Ano ba ang pinaglalaban mo Asterius?' pilit pa din akong kinakain ng isipan. Anong ibig niyang sabihin tungkol sa matulad kay Inddefonso.

'Sinadya mong mamatay si Kuya?' nagtataka kong sabi. Lumingon siya ng isang beses sa kanyang kaliwa at nagpakawala ng ngisi habang nakaduro pa din sa akin ang nguso ng kanyang baril. Malakas na ang pagtibok ng puso ko. Dati ko nang pinangarap na mapunta sa puntong ito. Ang malaman ang punot dulo at ugat ng kasinungalingan pero hindi ko inakalang may takot pa rin pala sa aking harapin ang lahat. Gutom ako sa impormasyon na pinagkait niya sa akin pero may kaba pa rin pala kapag nasa harapan mo na. Ilalahad na nga sa hapag pero mukhang ako pa ata ang umaayaw ihahahain.

Umatras ako ng isang beses dahil dinidiin ni Sire ang baril patungo sa noo ko. Hindi nga man lang ako nainform na kaya niya nga talaga akong saktan matapos lahat ng sakripisyo ko para sa tinatawag niyang pamilya.

'Yun ang napapala kapag sinusubukan akong talikuran Asterius. Isa na nga iyong halimbawa para patunay na wala akong sasantohin' mayabang niyang sabi. Nanlilisik na ang mga mata ko habang nanginginig sa pagkuyom ang kamao kong nasa ere. Napalingon siya doon at tinawanan ako.

'Napakademonyo mo Sire! Nakaya mong saktan ang sarili mong anak' tumaas ang kilay niya sa sinabi ko at nagkibit balikat

'Nagawa niya ang utos ko, nawalan pa ako ng traydor. Gamit na gamit Asterius. Ano ngayon? Papanig ka na din kay Demetrio gaya ni Inddefonso? Namulat ba ang utak mo sa pinagsasabi ng kabit ng nanay mo? Patatalikurin pa din kita sa Martin kahit na anong pagpapaamo niya sayo' igting ang panga kong hindi siya tinigilang titigan. Unti unting nasasagot ang palaisipan sa utak ko. Para siyang tumira ng dalawang ibon gamit ang isang bato. Kung tama ang pagkakaintindi ko ay maaaring nagkamabutihan ang Martin at si Inddefonso sa sinabi niya pero inutusan ni Sire na iframe up. Nasiraan niya ang Martin at napatay ang kapatid ko. Wala ng mas hihigit pa sa kasamaan ng tatay ko.

Tatay ko? Kinamumuhian kong naging ama ko siya!

'Frederico!!!' sabay kaming napalingon ni Sire sa hinihingal sa pagtakbo na papalapit sa amin na si Madea. Lalapitan ko sana siya pero mas idiniin lang ni Sire ang baril sa aking noo. Alam kong wala siyang kinatakutan. Alam kong hawak niya ang oras ng buhay ko ngayon. Kaya niyang pindutin ang gatilyo at ihinto iyon ora mismo.

'Huwag mong sasaktan si Asterius parang awa mo na!' tatlong dipa ang layo ni Madea sa kinatatayuan namin ngayon. Diretso lang ang galit na tingin ni Sire sa akin habang puno ng muhi ang mga mata ko.

'Tumigil ka Laura!!! Sa lahat ng pwedeng tumalikod sa akin ay pinakahuli sa listahan ko ang pangalan mo pero anong nangyari ngayon?! Pumunta ka sa kabit mo! Kung tatalikuran din ako ni Asterius, sariling kamay ko nalang ang gagamitin ko di tulad ng kay Inddefonso'

'Tigilan mo na ang kahibangan mo Frederico. Ikaw ang masama dito pero ikaw din ang may lakas ng loob para tanggalan kami ng karapatang mamuhay ng maayos! Hindi ka ba napapagod? Dahil pagod na pagod na ako kakatakip ng kamalian mo!' humikbi si Madea matapos niyang sabihin iyon. Napalingon siya sa akin at nagtama ang aming mga mata ng ilang segundo. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa imahe ng aking ina. Nahirapan akong lumunok ng laway sa gitna ng sitwasyon namin. Away pamilya namin sana ito pero nandito kami ngayon nambubulabog sa pahingahan ng mga yumao.

'Ilang taon akong nagtiis sa kalokohan mo dahil ayokong madawit ang mga anak ko pero anong ginawa mo?! Pinatay mo si Inddefonso tapos isusunod mo si Asterius?!' napayukong humikbi muli si Madea at habol na ang kanyang hininga pero hindi pa rin natitinag si Sire. 'Ilang taon akong nagmatigas sa mga anak ko! Mas gusto kong kamuhian nila ako dahil kinokonsinte kita pero anong magagawa ko sayo?! Wala Frederico!!!'

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon