chapter 26

21 2 0
                                    

Umalingawngaw ang ingay ng mga tuyong dahon habang naglalakad kami sa tuktok ng isang bundok. Napapalibutan ng malalaking puno ang lugar habang tanaw ang buong siyudad sa kalayuan. Nakangiti lang akong pinagmamasdan siyang nauunang maglakad sa akin. Para tuloy siyang bata sa sobrang tuwa sa nakikita.

Idinipa niya pa ang dalawang braso habang dinaramdam ang preskong hangin. Tumabi ako sa kanya kaya lumingon ako sa mukha niya ngayong nakangiti habang nakapikit.

'Ang ganda pala dito' sabi niya saka napatingin sa akin. Nagtitigan kami ng ilang sandali habang sinasayaw ng hangin ang kanyang medyo kulot na buhok.

'Sobrang ganda' bulong ko saka pinutol ang pagtitigan namin. Sabay naming pinagmasdan ang kabuohan ng siyudad. Nakapamulsa akong huminga ng malalim at pumikit.

Inalala ko ang mga panahon madalas kami ni Inddefonso dito at ang mga araw na mag isa ko itong tinutungo. Memorya ko ang itsura ng kapaligiran dito na hanggang ngayon ay nananatili pa ding ganoon.

Meron din bang may alam na ang pinakamagandang emosyon ay ang pananabik? Kasi para sa akin yun ang pinakapinagpapasalamatan kong nananatili sa akin. Sabik akong alalahanin ang mga panahong maayos pa ang lahat.

Kahit papaano ay may kasabikan akong imulat ang mga mata sa umaga. Kung tutuusin nga ay nakahanda sa hapag ko ang mga bagay na pinapangarap ng ibang tao. Pera? Pag ibig? Kaibigan? Oo meron ako ng lahat ng yan ngayon pero nasa akin pa rin ang pananabik sa posibilidad ng mas higit pa doon.

Hindi natatapos ang pananabik ng tao ng mas higit pa sa meron. Paano kung hindi magulo ang pamilya ko? Paano kung hindi kami nagkaroon ng problemang meron kami ngayon? Hindi natatapos ang mga tanong hanggang sa mabalik sa reyalidad. Sure there are better life decisions, life standings and life itself but what kept us going in the midst of our cruel existence? It is our longing just for better days.

'Bakit dinala mo ako dito?' tanong sa akin ni Ara gamit ang mahinhing boses. Ngumiti ako sa kawalan habang deretso pa din ang tingin sa mga gusaling nag uunahang abutin ang kalangitan.

'Madalas kami dito ng kapatid ko dati. Saksi ata ang lugar na ito sa buhay na napagdaanan ko. Maging masaya man o kahit malungkot ay ito ang pinapangarap kong lugar na palaging mapuntahan' natawa pa ako at napailing dahil naalala kong naging dahilan nga din pala si Ara sa pagpunta ko dito dati.

'Ito lang ang lugar para sa akin kung saan ang oras ay parang nahinto. Mag isa kong pinagmamasdan ang magandang tanawin dito palagi. Nakuha ko ata ang best view sa tuktok pero simula nung umusbong ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo ay nanabik akong mapuntahan itong kasama ka habambuhay' seryoso kong sabi sa kanya habang nakangiti.

Deserve niyang makita ang pinakamagandang tanawin sa mundo. Ang kahapon, kasalukuyan at magiging kinabukasan ko. Alam kong masyado siyang perpekto para sa akin pero siguro mas nakakatuwang pagmasdan kung ako ang mananatiling mali sa buhay niyang ipagpipilitang kong maging tama.

Huminga siya ng malalim at nakatingin sa kawalan habang sinusulit kong pagmasdan siya. Nakakatuwa namang nandito ako tapos kasama ko pa ang babaeng unang minahal ko. Mas panalo pa ata ako sa mga gusali sa harap dahil tila abot ko ang langit habang katabi niya lang.

'Ang corny mo pala' bulong niya na nagpatawa sa akin. Hindi ata bagay sa amin ang magseryoso.

'Hindi mo maririnig ang mga banat ko ng ilang linggo kaya magpasalamat ka' pang aasar ko sa kanya kasabay ng pag iling niya.

'Alam mo bang natatakot ako' tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

'Bakit ka naman matatakot? Kung pisikalan lang ay kasama mo naman ako kaya huwag mo nang ipag alala kung masasaktan ka pero kung tungkol sa multo hmm mukhang wala tayong magagawa jan' sabay naman kaming tumawa dahil pareho nga pala kaming matatakutin.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon