chapter 15

23 2 0
                                    

Nauuna siyang maglakad sa akin na sinunod ang gusto kong mangyari. Binati niya pa ang mga trabahante dito dahil napaaga ata ang sign out ng suki nila.

Gumaganda talaga ang salitang paalam sa tenga ko. Nang nakalabas na kami sa pinto ay nilingon niya ako para ituro ang tamang daan. Ako na nga ata ang San Pedro para sa kanya. Hawak ko ang susi sa mundong haharapin niya.

'Lumiko ka sa kanan. Matatanaw mo ang itim na van' bulong ko sa kanya pero nakangiti pa din. Kung meron lang sana ako nung bandana na awtomatikong may nakangiti ay hindi na sana mangangalay ang bunganga ko sa pagkapilyo sa kanya.

Tumango naman siya sa akin bilang pagsagot. Mukhang deserve ata ng tapik sa ulo ang mabilis na pagkaintindi sa gusto ko.

Naghihintay sa harap ng pinto ng van si Gaston. Nang matanaw niya kami ay binuksan kaagad iyon para makapasok ang Martin. Sumunod naman ako agad. Nagbuga ako ng malalim na hininga dahil sa wakas hawak ko na ang matagal nang kinamumuhian.

'Saan niyo ba ako dadalhin?' nakangiti naman akong lumingon sa kanya. Makikipaglaro ba to ng salita?

'Sa palasyo Martin' pagbibiro ko na inismiran niya lang.


'May kailangan lng akong malaman mula sayo Demetrio Martin. Kailangan atang hukayin ang dating nagawa mong kasalanan sa pamilya ko' nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

'Gusto mo bang dito nalang? Madali naman akong kausap kung gusto mo. Kung nalaman ko sana na masunurin ka pala edi hindi na ako naghanda pa ng sobra' napatikhim naman siya kaya umayos ako sa pag upo. Iniwasan niya ang mga mata ko at tumingin lang sa labas ng bintana.

Nasobrahan ata sa pagkatiklop kaya nilabas ko ang handgun saka tinutok sa sentido niya. Napatigil naman siya sa paghinga nang maramdaman ang nguso ng baril ko. Magandang bati iyon para sa kanya pero iwasan niya lang maduraan nito dahil sabog ang bungo niya kung ganoon.

Napangisi naman siya sa ginawa ko kaya ngumiti din ako. Alam kong alam niyang hindi iyon nakakasa kaya feeling niya ay hindi ko kayang totohanin.

Binaba ko ang baril at hinila ang slide. Nasa gilid ng frame ang hintuturo ko saka tinutok pabalik sa ulo niya.

'Tsk tsk hindi ako nagbibiro Martin' mahinahong sabi ko sa kanya. Sinusubukan niya kasi ata ako. Mahina pa naman ang pagpipigil ko kapag nanggigil kaya may patutunguhan to sa akin.

'Sabagay medyo naenjoy mo na ang sisyenta porsyento ng buhay mo kaya siguro wala kang kinakatakutan ngayon. Naku Martin hindi pa ako nangangalahati sa buhay ko kaya handa akong malibang sa mga pakulo ko para sayo' umigting ang panga niya sa sinabi ko. Yan ang gusto ko, nagiging apektado.

'May sumusunod sa atin Asterius' banggit ni Gaston. Naging mabilis ang pagpapatakbo niya dahil sa nakasunod. Agad kong naalala ang dating nangyari sa amin ni Inddefonso. Gantong ganto iyon.

Inaasahan ko naman ang mabilisang pagwawala sa sumusunod. Punyeta ang trapiko pero mas punyeta si Gaston pagdating sa ganto.

Ang ngiting sumilay kanina sa labi ni Martin nang marinig na may nakasunod sa amin ay biglang naglaho.

'Sa picture frame nalang ata nila makikita ang ngiti mo' mayabang kong sabi sa kanya.

Hindi ako binigo ni Gaston dahil nakarating kami sa bodegang pinahanda ng tahimik.

'Kung ayaw mong masaktan Demetrio sumunod ka sa amin. Dito tayo maguusap' nagtataka naman siyang sinunod din ang gusto kong mangyayari habang nililibot ang mga mata.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon