Wakas

20 2 0
                                    

This will be the last part of The End of You and Me. I have faith na may iimprove pa ang lahat kaya hopefully youll read my upcoming stories. I already introduced Raein here na magiging lead sa next book. Gracias! Ciao!


- - - -


Tatlong taon na ang nakakalipas matapos mangyari ang malaking trahedya sa buhay namin.

'woah it looks beautiful kuya' manghang sabi sa akin ni Safiya habang kaharap namin ang dati ko nang napuntahan na pinta ni Leonardo da Vinci. The Last Supper. Nakangiti kong pinagmamasdan ang laki ng gawa ng artist. Huling hapunan kasama ni Hesus ang labindalawang disipolo. Hindi niya alam na isa sa kanila ang magtatraydor sa kanya.

Naisip kong bigla ang huling hapunan namin na mga magulang ko na tunay na may kagalakan. Iisang hapag kasama si Inddefonso, si Madea at si Sire na kalaunaan ay nasabayan na ni Safiya sa hapag kahit na hindi na maayos ang turingan ilang taon ang lumipas. Hindi ko inakala na sa aming lahat ay si Sire ang tanging sisira ng pinagsamahan naming lahat. Hindi ko naman mababago ang nakaraan kaya sinusubukan ko nalang na ilibing kasama ng tatay ko ang mga masasamang alaala.

'Lets go na' tawag ko sa kapatid na agad ding ngumiti sa akin.

Maganda ang panahon sa Italy ngayon habang namamasyal kami. Kahit na sa murang edad ni Safiya ay hilig nitong magkape. May naalala tuloy ako.

Pinulot ko ang baso niya at sumimsim ng isang beses at hindi pa din makuha kung bakit may gusto sa iced americano.

'Kuya i need a new cup of this' maarteng banggit ng kapatid ko habang magkakrus ang braso. Natatawa naman akong pinagmasdan ang kasungitan niya. Manang mana talaga kay Madea.

'I just took one sip from your coffee and you now need a whole new cup of it? Are you a caffeine addict?' natatawa kong biro na inirapan niya.

'Kuya you just dont get it' nakanguso niyang sabi at nagpakawala ng malalim na hininga. Kalaunan sumuko din siya sa akin dahil mukhang ayaw niya din naman magpalpitate kapag nasobrahan sa kape.

Nakangiti ko nalang siyang pinagmasdan habang nagmimakeface sya. Nagvibrate bigla ang cellphone ko para sa isang mensahe mula sa opisina. Bago ako makapagtipa ng mensahe pabalik ay pinagmasdan ko ang lockscreen. Puno ng mga sakura.

Tatlong taon na din ang nakalilipas nang huli ko siyang makita. Magindara.

Naging abala ako sa responsibilidad na iniwan ni Sire sa akin. Bumagsak ang kompanya ng pamilya namin dahil sa mga investor na humugot ng stocks nila matapos pumanaw ng ama ko. Nagkumahog akong subukan na magsimula muli habang pinagsasabay ang pag aaral. Naatasan akong maging responsable kahit na sinasabihang hindi naman na kailangan ni Madea.

'Ma gusto kong may mapatunayan' sabi ko sa kanya noong nakita niya akong puyat kaharap ang laptop dahil sa gawain. Nakaya ko. Oo nakaya kong maging abala at subukan ang kakahayan kong magsimula. Madaming tumulong sa akin na dati ng kakilala nang mapansin nilang may gusto akong patunayan. Naibalik ko ang negosyo ng pamilya namin sa alcohol trading at isa sa may pinakamalaking naitulong sa akin ang may ari ng malaking brewery sa Estados Unidos na dati ko na ding nakausap sa Italy.

Nung huling bisita ko sa libingan nina Inddefonso at Sire ay may bitbit akong alak. Patron. Gusto kong icelebrate ang tagumpay ko kasama sila sa kabila ng mga nangyari. Tapos na ako sa drama at focus na sa hinaharap. Hihilahin lang tayo pababa ng nakaraan pero matibay na pundasyon ang gawa ko ngayon.

'Hindi ko na kailangan dumihan ang kamay ko Sire para may mapatunayan. Sana humanga ka sa akin' nakangiti kong sabi sa kawalan.

'Siguro naman nagkapatawaran na kayo jan dahil sigurado ako na napatawad ko na ang nagkasala sa akin. Pamilya tayo. At ang tunay na pamilya ay nagkakapatawaran' tinaas ko ang baso na may alak at tinungga matapos sabihin iyon.

The End of You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon