Tragedy 3

44 3 0
                                    

One More Chance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

One More Chance


Ilang linggo na niya akong hindi kinakausap. Ilang linggo na rin siyang hindi nagpaparamdam. Nami-miss ko na siya.

"Bien, tara!" sigaw ni Avy sa malayo.

Mas madalas ko na siyang nakakasama kaysa kay Yna. Napapadalas narin ang panlalamig ko sa kanya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

"Huy, Bien? Halika na, uwi na tayo," Hinila ni Avy ang kamay ko para sabay na kaming umuwi.

Ramdam kong mali to. Mali na ako. Mali na 'tong lahat.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Avy. Tumigil ako sa paglalakad na ipinagtaka nito.

Lumapit ito sa akin at hinipo ang noo ko.

"May problema ka ba, Bien?" Nag-aalalang tanong nito.

"Tama na, Avy. Itigil na natin ito," sabi ko sabay marahang hinawi ko ang kamay nito.

"H-huh?"

"May girlfriend ako, Avy. At mahal ko siya," deretso kong sambit.

Napaawang naman ang bibig nito dahil sa pagkabigla. Alam kong masasaktan ko siya, pero ito ang tama. At mali ako.

"A-akala ko—"

Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mata nito. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang hindi maiyak ngunit huli na. Nag-unahan ang kanyang luha, at labis akong naaawa para sa kanya. Niloko ko siya.

"Patawarin mo ako—"

Isang malakas na sampal ang natikman ko mula sa kanya at agad itong tumakbo palayo. Alam ko. Deserve ko ang sampal na iyon. At handa akong tumanggap ng kahit ilan pa mula kay Yna.

Dali-dali kong tinungo ang room nila, ngunit wala siya roon. Nauna na raw itong umuwi at sumabay na sa mga kaibigan nito.

Agad ko silang hinabol. Malamang na kung magmamadali ako ay maabutan ko pa sila.

Nang makalabas ako ng gate ay nakita ko si Yna kasama ang mga kaibigan nito.

"YNA!!" sigaw ko upang makuha ko ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo dahil lumingon siya.

Tumakbo ako papalapit sa kanya upang sabay na kaming umuwi dahil kita kong pinauna na niya ang mga kaibigan niya. Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko.

"Bien, anong kailangan mo?" pambungad nito.

"Sabay na tayong umuwi," masaya kong sabi.

"Hindi na kailangan, Bien,"

"H-huh? Pero diba—"

"Hindi na, Bien. Matagal ko ng pinutol ang relasyon natin," mahinahon niyang sambit.

Parang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

"Y-yna? A-ano bang sinasa—"

"H'wag na tayong maglokohan pa. Alam ko, matagal na,"

"P-pero—"

"I'm sorry,"

"Yna, give me a chance. Babawi ako sa iyo. Pupunan ko lahat ng pagkukulang ko. Itatama ko lahat ng mali ko. Please, just give me another chance, babe,"

"I did, Bien. I gave you so many chances. But you never notice,"

"Yna.."

"We're done, Bien. I'm sorry,"

Tuluyan na siyang tumalikod at iniwan akong mag-isa. Hanggang ngayon ay hindi parin nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.

Sa ganito nalang ba kami matatapos?

Wala na ba talagang pag-asa?

Nakita ko naman siyang sumakay sa jeep kasama ang isang lalake. Pagkaupo nila ay agad na umakbay ang lalake kay Yna.

"Mukhang wala na ngang pag-asa," tanging sambit ko sa aking sarili.

Isang mapait na ngiti naman ang aking pinakawalan kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

Mahal na mahal kita, Yna. Pero mukhang wala na talagang pag-asa?

Follow SUN Project's page for more cool artworks.

Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon