Good Old DaysAng sarap lang balik-balikan ng mga ala-ala mo noong kabataan mo pa. Noong mga panahong wala ka pang kamuwang-muwang kung paano nga ba umiikot ang mundo.
Yung tipong naghahabulan kayo ng mga kaibigan mo habang umuulan, tapos bigla kayong titigil sa alulod ng kapitbahay kasi mas malakas yung pag-agos doon ng tubig.
Yung tipong umiiyak ka lang kasi palagi kang binuburot ng mga kaibigan mo. Tapos uuwi kang madungis at putol o kaya nawawala yung isang pares ng tsinelas mo.
Yung tipong kaya ka lang natutong magbilang ng mabilis ay dahil sa paglalaro mo ng teks o kaya ng pogs. Tapos kapag natalo ka, bibili ka ulit sa kalaro mo para makabawi ka.
Yung tipong pawis na pawis ka dahil sa paglalaro niyo ng chinese garter. Hindi ka pa hingalin noon dahil gamay na gamay mo na yung paglalaro.
Yung gumagawa kayo ng diskarte ng mga kakampi mo kapag naglalaro kayo ng bente uno kasi kailangan niyong masagip yung mga kakampi niyong ulaga kasi nagpahuli kaagad.
Yung tipong halos mabali na yung buto niyo para lang hindi ma-solve ni doctor quack quack kung paano kayo nagkabuhol-buhol.
Marami pang iba, na kung iisa isahin mo ay baka abutin ka ng magdamag ay hindi ka parin matapos.
Kaso mahirap ng balikan lahat ng mga bagay na dati mong kinahiligan. Yung kahit walang internet or gadget, masaya ka kasi nakakapaglaro ka ng totoong laro.
Pero ngayon, iba na.
Hindi ka na mapakali kapag wala kang hawak na cellphone. Samantalang kami noon, gumagawa pa kami ng paraan kung papaano kami tatakas dahil pinapatulog kami ng tanghali.
13 years old ka palang pero broken hearted ka na. Samantalang kami noon, 13 years old kami nagbebenta pa kami ng bote para may pambili kaming paper doll.
Ang hirap lang tanggapin na mas masaya na tayo sa mga modernong bagay. Hindi na natin naalala kung ano ba tayo noon. Kung paano ba tayo sumasaya noon.
Gustuhin ko mang ibalik ang mga panahong iyon ay hindi ko na magagawa. Dahil ito na tayo ngayon.
Mas sumasaya na tayo sa mga bagay na hindi natin mapagkukuhanan ng mga magagandang alaala, kaysa sa mga alaala na madadala sana natin hanggang sa pagtanda.
—
Photo credits to SUN Project.
Follow SUN Project's page for more cool artworks.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Historia CortaThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐