Tragedy 7

18 3 0
                                    

Poser

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Poser


Nag-open ako ng account ko dahil sobrang boring na ako dito sa bahay dahil sa quarantine. Pero hindi ko inaasahang ito ang bubungad sa akin.

'yaaak, pokpok ka ghorl?'

'akala mo naman talaga may dede,'

'oh, bakit hindi nalang ikaw yung mamatay?'

'tangina, wala ka ngang cleavage e,'

Ilan lang iyan sa mga masasakit na salitang nabasa ko sa profile ng isang facebook account.

Anong caption? Ito;

'Ewan ko ba kung bakit may nabubuhay pang mga flat chested sa mundo? Bakit hindi nalang kayo mamatay isa isa? Fuck you'll'

Sinong nasa picture?

Ako lang naman. Sinisira ako ng kung sino man ang may-ari ng account na iyon. 7.3k reacts, 3.2k comments and 8.9k shares. Ganyan karami in just 9 hours.

Tiningnan ko sa 'about' niya kung may contact number siyang inilagay, pero mukhang naka private ito. Sinubukan ko ring i-message siya pero hindi ito nagrereply sa mga messages ko.

Sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga nababasa kong comments ng mga tao. Sumisingit ako at nirereplyan isa isa ang mga nagme-message ng mga masasakit na salita sa akin, pero hindi nila ako pinapansin. Hanggang sa may isa akong comment na nabasa. Sinabi niya yung main account ko.

Dinumog ako ng mga taong kanina lang ay nasa comment ng post nung poser na iyon. Kung ano-anong paliwanag na ang ginawa ko pero wala parin. Kung ano-anong masasakit na salita ang ibinato nila sa akin. Hindi ko sila mapaliwanagan kaya wala na akong ibang choice kung hindi ang mag deactivate ng account.

Ganito ba talaga kahirap ipaintindi sa tao kung alin ang totoo sa hindi? Ganito ba talaga sila katanga para pansinin yung mga bagay na hindi naman nila sigurado kung ako nga yung nag post no'n?

Iba-bash ka ng wala kang kaalam-alam sa bagay na hindi naman ikaw yung gumawa? Bakit ba ang bilis ng mga tao na manghusga, tapos takot namang mahusgahan sila?

Photo credits to SUN Project
Follow SUN Project's page for more cool artworks.

Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon