He Didn't Broke His Promise For The First Time
3rd anniversary namin ngayon ni Bryle. First anniv namin sabi n'ya makakarating s'ya sa venue pero 5 hours yata akong naghintay pero walang Bryle na dumating. I forgive him. 2nd anniversary namin— nakalimutan n'ya kasi sobrang dami n'ya daw ginawa sa work n'ya. I forgive him. So, ngayong araw kapag hindi s'ya sumipot dito sa bahay, ewan ko na talaga?
In-open ko ang phone ko at tinext s'ya pero hindi s'ya nagreply. No choice, kapag hindi ko ipinaalala sa kanya malamang na makalimutan na naman n'ya kaya naman tinawagan ko nalang.
"Hello, Babe."
"Oh, yes babe?"
"Uuwi ka ba ngayon? Kasi alam mo naman, ayokong maulit pa ng pangatlong beses yung palpak na anniversary na nararanasan ko sa'yo."
"Hahahaha, I'm sorry. Don't worry, I'm on my way home. See you there."
"Okay. I love you."
"I love you too, Lia. Take good care of yourself, okay?"
"I will."
At ibinaba ko na ang linya. At least, ngayon sure na akong makakauwi s'ya.
Inihanda ko naman na ang table. Nagsaboy na rin ako ng rose petals sa palibot ng mesa na pupwestohan namin. Sinindihan ko na rin ang mga scented candles na nasa mesa.
"8:30 pm na. Malamang malapit na 'yon." At inihanda ko na rin ang aking sarili. Nag-retouch na ako ng aking make up at nagpabango. Sobrang excited na 'ko.
*****
"Nasa'n ka na ba, Bryle?" Naiirita kong tanong sa aking sarili. 10 PM na pero wala parin s'ya. Nakakainis. Ang lakas pa ng ulan sa labas.
Nag try akong tawagan muli yung phone n'ya pero walang sumasagot. Kainis. Malamang inuna na naman n'ya yung trabaho n'ya. Gusto kong umiyak dahil sa paulit-ulit nalang na ganito ang nangyayari every anniversary namin.
*Diiiing Dooong*
Bigla naman akong natuwa at tila ba lumiwanag ang aking mukha dahil sa narinig kong pagtunog ng doorbell. Nand'yan na s'ya.
Dali dali kong binuksan ang pinto at tumambad sa aking harapan si Bryle na nakangiti.
"Happy Anniversary, babe. Sorry late ako pero at least natupad ko yung pangako ko."
"Nakakainis ka. Ang tagal tagal mo. Akala ko hindi ka na naman dadating."
"Nandito na ko, diba? Hahaha."
Pumasok na kaming pareho at dumiretso sa table na inihanda ko.
"Talagang pinaghandaan mo 'to ah?" Wika n'ya tsaka inusog ang upuan para makaupo ako at naupo naman s'ya sa kabila.
"Syempre. Palagi nalang kasing nabubulilyaso yung anniversary natin e. At kasalanan mo 'yon lahat." Tsaka ako napanguso.
Habang kumakain kami, napansin kong tila ba namumutla si Bryle?
"Bryle, okay ka lang ba? Maputla ka ah?"
"Okay lang ako." At ngumiti naman ito at patuloy na kumain kaya naman gano'n nalang din ang ginawa ko.
"Lia," bigla n'yang tawag sa akin kaya napatingin naman ako agad sa kanya.
"Mahal na mahal kita. Ingatan mo ang sarili mo. Kung makahanap ka man ng ipapalit sa akin— sana ay doon sa siguradong mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal ko sa'yo. Sana ay doon sa taong maaalala ang mga mahahalagang okasyon na kagaya nito."
"Ano bang sinasabi mo? Tingin mo ba ipagpapalit kita?"
Bigla namang nag ring ang telepono sa sala.
"Ako na." At agad akong tumayo para sagutin ang tawag.
"Hello?" Wika ko sa kabilang linya.
"Magandang gabi po. Nand'yan po ba Mrs. De Castro?"
"Yes, speaking."
"Ah. Ako po si SPO2 Manaquil. Nandito po kami ngayon sa Edsa Kamuning. Nabangga po ang sasakyan ni Mr. Kieffer Bryle De Castro. At h'wag po sana kayong mabibigla. Pero ma'am, patay na ho ang asawa ninyo."
"P-po? Baka po nagkakamali kayo kasi kasama ko po s'yang—" bigla naman akong napatigil ng lingunin ko ang kinaroroonan ni Bryle. Wala s'ya roon. Wala ring bawas ang pagkaing kanina'y kinakain n'ya.
Bigla ko namang nabitiwan ang teleponong hawak ko at tila ba nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya agad akong napaupo sa sahig. Tila kasabay naman ng pagpatak ng ulan sa labas ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
"P-pero—"
Isang malakas na hagulhol naman ang pinakawalan ko.
Kung ganito lang din naman ang mangyayari kapalit ng pangako mo, sana ay hindi ko nalang ninais na mag-celebrate ng anniversary basta makasama lang kita.
Pero salamat.
Salamat dahil kahit sa huling sandali ay tinupad mo ang pangako mo.
"Mahal na mahal kita, Bryle." Wika ko habang patuloy sa pag-iyak.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Short StoryThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐