911
Sa kalagitnaan ng pagsusulat ko sa report ko bilang isa ako sa mga staff na sumasagot ng tawag para sa mga taong humihingi ng tulong ay biglang tumunog ang telepono sa tabi ko. Kinuha ko naman ito sa pangatlong pag ring at kaagad na sinagot.
"Hello, this is 911. How may I help you?" wika ko. Inipit ko ang telepono sa pagitan ng aking tainga at balikat bago ako nagpatuloy sa paggawa ng report.
"Hello?" Pag-ulit ko dahil walang sumasagot at puro pagbuntong hininga lang ang aking naririnig.
"Kung prank call lang po ito ay ibababa ko na."
"Sandali," sagot ng nasa kabilang linya.
"Ano pong maitutulong namin?" aniko rito.
"Bago ako mawala, gusto ko lang na may mapagsabihan ng problema ko,"
Medyo hindi ko siya naintindihan sa parte na ito. I mean, hindi ko na gets ang ibig niyang sabihin.
"Ano po ba ang problema, miss?" Itinuon ko na sa kanya ang atensyon ko at pansamantalang binitiwan ang computer.
"Napapagod na ako," panimula nito, "Gusto ko nang maglaho para hindi na nila iparamdam sa akin na hindi ako kabilang sa mundong ito."
Depressed person.
"Saan ang location mo, miss. Kung gusto mo ng makakausap pwede ka naming matulungan." sabi ko.
"Ibinubugaw ako ng pamilya ko," halos mahulog ang panga ko sa kanyang sinabi.
"Matutulungan ka namin sa bagay na iyan kung sasabihin mo kung—"
"Nagsabi ako sa kanila na gabi-gabi ay pinagsasamantalahan ako ng tiyuhin ko kasama ang mga kaibigan niya pero hindi sila naniwala,"
"Okay, sige ano pa ang nangyari?" Agad akong gumawa ng panibagong page sa computer para doon isulat lahat ng confession ng babaeng nasa linya.
"Pinilit ako ng boyfriend ko na gumamit ng bawal na gamot. Tumanggi ako, totoo. Pero ginulpi niya ako. Pinalo niya ako ng upuan sa aking braso dahil hindi ko siya sinunod. Wala akong nagawa kung hindi ang gumamit nalang dahil alam kong hindi niya ako titigilan kapag hindi ko ginawa ang gusto niya,"
Patuloy ako sa pagta-type pero kumikirot ang dibdib ko dahil sa mga sinasabi niya.
"Yung mga akala kong kaibigan na maaasahan ko," isang mahinang paghikbi ang narinig ko mula sa kanya.
"Miss, sige sabihin mo ang lahat. Magagamit natin ito para sa kaso mo," wika ko.
"Akala ko masasandalan ko sila sa ganitong pagkakataon. Akala ko sila yung makakatulong sa akin para patuloy akong lumaban kahit na sobrang miserable na ng buhay na meron ako ngayon,"
Sobrang naaawa ako sa kanya. Hindi ko akalain na may taong ganito kalungkot ang naging buhay.
"Pero nagkamali ako," Pagpapatuloy nito, "Pinagkalat nila ang sikretong pinakaiingatan kong h'wag mabunyag. Ang mas masakit pa, binago nila yung istorya. Sinabi nilang ginusto ko ang nangyari. Sinabi nilang proud pa ako habang ikinukwento ko sa kanila ang lahat. Sobrang sakit!"
Tuluyan ko nang narinig ang paghagulhol niya. Ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niya sa bawat pag-iyak niya.
"Sabihin mo sa akin kung saan ka nakatira," pag-ulit ko dahil hindi niya parin sinasabi ang lokasyon niya.
"Hindi na kailangan," tugon nito, "Sapat na sa akin na nailabas ko ang problema ko sa iyo,"
"Miss, matutulungan kita. Basta sabihin mo sa akin ang lokasyon mo,"
"Salamat, pero ito na ang una at huling beses na tatawag ako sa linya niyo,"
"Miss, alam kong mabigat ang—"
Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin ng biglang parang tumama sa kung anong bagay ang telepono niya.
"Miss? Miss nandyan ka pa ba?"
Wala na akong narinig pang sumagot pero nakabukas parin ang tawag dahil hindi niya ibinaba ang linya.
Tila ba may kakaiba naman akong tunog na naririnig. Mahina lang ito pero parang tunog ng taong hindi makahinga.
"AAAHHHHHHHH!" sigaw ng isang babae sa kabilang linya. Iba ang boses nito kaya alam kong hindi siya iyon.
"Hello? Hello anong nangyayari dyan?"
Tila ba nagkakagulo na sa kanila. Hindi ko alam at wala akong ideya sa kung anong nangyayari. Pero nakakarinig ako ng malakas na pag-iyak ng isang babae.
Tumunog ulit ang kabilang linya pero namatay na ito pagkatapos.
Hindi ko alam, pero masama ang kutob ko sa kung ano man ang nangyari sa tumawag.
— — —
Photo credits to SUN Project.
Follow SUN Project's page for more cool artworks.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
ContoThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐