Our Conversation
"Bakit ba tayo nagmamahal, Vio?" — Remi
"Dahil 'yon ang dapat." — Vio
"Dapat?" — Remi
"Alam mo bang may iba't ibang klase ang pagmamahal?" — Vio
"Hindi ko maintindihan?" — Remi
"Gusto mo bang ipaintindi ko sa'yo?" — Vio
"Pwede ba?" — Remi
"Ang pagmamahal ay may iba't ibang uri. Pagmamahal sa mga hayop, pagmamahal sa kalikasan, pagmamahal sa talento, pagmamahal sa pamilya at kaibigan, at ang pinakamasakit na pagmamahal—" — Vio
"Pinakamasakit na pagmamahal?" — Remi
"Ang pagmamahal sa taong iniibig mo." — Vio
"Anong ibig mong sabihin? Paanong naging pinakamasakit na pagmamahal 'yon?" — Remi
"Iba 'yon sa lahat ng klase ng pagmamahal, Remi. Kapag umibig ka na kasi sa isang tao, kaya mo ng gawin ang lahat h'wag lang s'yang mawala sa'yo. Kaya mo ng magsakripisyo para sa taong mahal na mahal mo. Yung tipong handa kang harapin lahat ng sakit, h'wag lang masaktan ang iniibig mo. At kaya iyon tinawag na pinakamasakit na pagmamahal ay dahil kadalasan, ang kapareha mo pa ang gumagawa ng paraan para masaktan at iwan ka." — Vio
"Pero bakit naman nila ginagawa 'yon? Minahal mo sila pero sasaktan at iiwan ka lang nila? Bakit?" — Remi
"Alam mo bang walang sagot sa tanong na 'yan?" — Vio
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba dapat sa lahat ng tanong ay may sagot?" — Remi
"Sa pagmamahal, walang tamang sagot sa tanong na 'bakit tayo sinasaktan at iniiwan ng taong mahal natin'." — Vio
"Paano?" — Remi
"Kapag kasi nagkulang ka, iiwanan ka. Kapag sakto ka, mawawalan sa'yo ng gana kaya iiwan ka. Kapag naman sumobra ka, masasakal sa relasyon kaya iiwan ka." — Vio
"Gano'n ba, Vio?" — Remi
"Oo, gano'n. Kaya ikaw—paglaki mo at natuto ka ng umibig, h'wag mong ibibigay ang lahat ng pagmamahal mo sa taong iibigin mo. Magtira ka ng para sa'yo para sa oras na iwanan ka n'ya ay hindi ka masyadong masaktan. Maliwanag?" — Vio
"Pero, Vio. Ikaw yung mahal ko. Sasaktan mo ba 'ko" — Remi
"Remi, isa lamang akong nilalang na nabubuhay sa imahinasyon mo. Hindi mo ako maaaring ibigin dahil hindi naman talaga ako kabilang sa mundo n'yo." — Vio
"Pero nakikita at nakakausap kita." — Remi
"Dahil bata ka pa at may malikot na imahinasyon. Hindi mo rin naranasan na mahalin ng mga taong nasa paligid mo, Remi. Kaya ako nandito ay dahil ikaw ang gumawa sa akin." — Vio
"Iiwan mo ba 'ko, Vio?" — Remi
"Sa tamang panahon, Remi. Kapag lumaki ka na at natutong umibig. Pero sa ngayon, ako muna ang magmamahal sa'yo, Remi." — Vio.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Short StoryThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐