Tragedy 9

17 2 0
                                    

Manlalaro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Manlalaro

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.
Kung alam mo lang kung gaano kita inuuna kaysa sa sarili ko.
Kung alam mo lang kung paano kita protektahan at ipagtanggol sa tuwing sinasabi nilang lolokohin mo lang ako.
Pero bakit hindi mo alam?

Iniwan ko yung mga taong nasasandalan ko.
Yung mga taong pinahahalagahan ako, dahil ang sabi mo unahin kita. Dahil ang sabi mo, dapat pina-prioritize kita. Dahil ang sabi mo, kung totoong mahal kita, iiwan ko ang lahat para sa iyo.

Ginawa ko lahat ng gusto mo, pero bakit ganito yung iginanti mo?

Bakit ka nagloko?

Bakit ka naghanap ng bago?

Pagkatapos kong ibigay yung buong buhay ko sa iyo? Bakit pumasok parin sa isip mo na ipagpalit ako?

Hindi pa ba ako sapat para sa iyo?

May pagkukulang pa ba ako?

Kulang pa ba yung nararamdaman mong saya sa tuwing kasama mo ako? O sumaya ka ba talaga sa piling ko?

Sabihin mo naman sa akin yung totoo, para hindi na ako magmukhang gago sa harap ng maraming tao.

Lalong lalo na sa harap mo.

Kasi kung laro lang ang lahat para sa iyo,

Ikaw na ang pinakamagaling na manlalaro.

Picture credits to SUN Project.
Follow SUN Project's page for more cool artworks.

Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon