Depression
"Napakawalang kwenta mo talagang bata ka. Ilang ulit ko na sa'yong sinabi na h'wag mong pakekealaman yung para sa kapatid mo diba? Napakabobo mo naman. Pinag-aaral kita tapos napakatanga mo!" Bulyaw sa akin ni mama sabay bato ng thermos at tumama ito sa aking ulo.
"Sorry po."
*****
Isang malakas na hampas ang pinakawalan ng kaklase kong si Deib sa ulo ko. Halos mahilo ako sa ginawa n'ya.
"Pengeng pera."
"Wala kasi akong pera ngayon, Deib. Hindi pa binibigay ni mama allowance ko."
Isang malakas na suntok sa mukha ang natanggap ko mula sa kanya at napabagsak ako semento.
"Bukas siguraduhin mong may pera ka na, ha. Lagot ka sa'kin kapag wala."
"Oo. Sorry."
******
"Ikaw ba talagang bata ka— nakikinig ka sa klase ko?" Nanggigigil na tanong ng teacher kong si Miss Pam.
"Opo."
"Eh bakit napakasimpleng tanong hindi mo masagot? Ganyan ka ba talaga kabobo?"
"Sorry po, ma'am."
******
"Lungkot, Gio? Stress ka ba?" Tanong bigla ni Bianca.
"Hindi."
"Kung stress ka na, bigti na. Hahahahha."
Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at akmang aalis na pero bigla n'ya akong hinila.
"Ano, walk out? Kapal mo naman. Ako dapat yung unang umalis tanga. Babae ako e."
"Sorry."
******
Naglakad-lakad ako. Hindi ko alam kung nasaan na ba 'ko?
Nakakapagod na.
Nakakasawa na.
Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama para maging ganito kamiserable ang maging buhay ko?
Dinala ako ng mga paa ko sa itaas ng isang building. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko para umakyat at tumayo sa gilid sa tuktok ng builing na 'to?
Nang tumingin ako sa ibaba— sobrang nakakalula. Pero habang nakatingin ako sa baba ay wala akong takot na naramdaman. Bagkus ay napangiti pa ako.
"At least sa ganitong paraan matatapos na ang paghihirap ko." Tanging nasabi ko.
Tinanggal ko ang bag ko sa at inihagis sa baba ng bilding. Napakalakas ng hangin mula dito sa itaas. Napansin ko ring may mga nagkukumpulan ng tao sa baba, pero hindi ko sila naririnig.
"Diyos ko, patawarin n'yo po ako. Alam ko pong malaking kasalanan itong gagawin ko pero pagod na pagod na po ako." Tsaka pumatak ang mga luha sa mata ko.
Napapikit nalang ako bago ako tuluyang tumalon.
Habang bumabagsak ang katawan ko ay inalala ko ang buhay ko noon.
Wala ako niisang magandang alaala.
Puro pagpapahirap lang pala talaga ang naranasan ko, at ito lang ang unang beses na ngumiti ako.
"Patawad po."
At tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ko sa lupa.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Short StoryThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐