I'm Sorry And Goodbye
"Fin, tama na. Nagsasawa na 'ko sa ganitong set up na meron tayo. Sawang sawa na 'ko sa ugali mo. Suko na 'ko sa'yo. So please, tama na. Wala ka namang kwenta e. Kaya lubayan mo nalang ako. PLEASE!" Bulyaw sa akin ni Kenzo at tila ba sobrang upset na ito base na rin sa pagsabunot n'ya sa kanyang buhok.
"Nagsasawa ka na? Suko ka na?" Wika ko sa mahinahong pananalita habang pilit kong pinipigilang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
Pero masyado ng masakit para pilitin ko pa ang sarili kong magkunwaring hindi nasasaktan.
Masyado ng mabigat para pigilan ko pa ang mga luha na gusto ng pumatak.
"Kenzo, kung meron mang dapat na magsawa dito—ako 'yon.
Nagsasawa na 'ko sa paulit-ulit mong panloloko na pilit kong ginagawan ng sarili kong excuse para lang pagkatiwalaan kita ulit.
Kung may dapat mang sumuko dito—ako 'yon. Gusto na kitang sukuan dahil sa paulit-ulit mong pananakit sa'kin kahit na hindi ko naman deserve 'yon.
Pero mas pinili kong magpakamartir para lang mai-save yung relationship natin.
Kenzo, bakit ka ba ganyan? Bakit paulit-ulit mo nalang akong pinahihirapan? Alam mo, sa'ting dalawa ako lang naman yung lumalaban e. Kumbaga sa gamit, ako yung kahoy na pilit pinapatatag yung haligi natin pero mas pinili mong maging anay para lang sirain yung pundasyon ng relasyon natin.
Hindi mo ba napapansin?
Sa isang sorry mo lang nagiging okay na 'ko.
Sa isang yakap mo lang naniniwala na ulit akong pinahahalagahan mo 'ko.
Sa isang i love you mo lang naniniwala na ulit akong ako lang ang mahal mo.
Tapos sasabihin mo sa'king nagsasawa ka na? Na sumusuko ka na? Eh, sa relasyon natin ako lang naman yung lumalaban. Ako lang naman yung naniniwalang magiging okay din tayo ulit. Kenzo, nakalimutan mo na ba?
Nakalimutan mo na ba na noong mga panahong durog na durog ka, na noong mga panahong pira-piraso ka, parte ng pagkatao ko yung ginagamit ko para lang buuhin ka.
Pero hindi mo pinahalagahan. Kaya kenzo, sa ating dalawa ako dapat ang nagsasabi sa'yong nagsasawa na 'ko—na sumusuko na 'ko. Kasi sa ating dalawa, ako yung pinaka may karapatan.
Kaya naman tapusin na natin to. Kung noon, emosyon at damdamin mo yung pinaka-priority ko. Ngayon, uunahin ko naman yung sarili ko. Mahal kita. Sobrang mahal kita to the point na kinalimutan ko na yung mga taong pilit ipinapaintindi sakin yung mga pagkakamali ko noong tayo pa."
"I-I'm sorry, Fin." Maikling tugon nito na tila ba natauhan dahil sa mga salitang binitawan ko. Pero wala na. Sawang sawa na 'ko.
"No. I'm sorry, Kenzo. And goodbye."
Tumalikod na ako at naglakad palayo. Bawat paghakbang ng mga paa ko ay s'ya ring pagpatak ng mga luha ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at tila ba gusto ng sumabog dahil sa sobrang dami ng sakit na nararamdaman nito. Sobrang daming sakit ang naranasan ko sa relasyon namin ni Kenzo.
Pero marami rin akong mga natutunan. Ang tanga ko lang kasi ngayon ko lang naalalang nabuhay na nga pala ako—hindi ko pa s'ya kilala.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Historia CortaThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐