Am I Worth It?
Gumising na naman akong walang good morning mula kay Angelo. It's been a week since he stopped texting me sweet messages. Palagi naman s'yang naggo-good morning sa'kin dati. Pero ngayon ang dami n'yang alibi. Kesyo busy, ganito, gan'yan.
In short, daming palusot.Malapit na yung end ng pasukan. 3rd year high school na 'ko sa June and I'm very much excited. Malayo pa naman pero nai-imagine ko na yung sarili ko as a college student. Parang ang sarap sa feeling.
Nag-ready na 'ko ng maaga. Naligo, kumain, nag-toothbrush, nagbihis at kung ano-ano pa. It's our 8th monthsary ni Angelo kaya sobrang excited akong pumasok ngayong araw. Siguro kaya hindi n'ya ko tini-text ay dahil may pa-surprise chuchu s'ya sakin ngayon. Yiee.. naiisip ko palang kinikilig na 'ko.
Hindi na 'ko nag-abala pang i-message si Angelo since yun nga, baka may pasorpresa. Baka makaistorbo lang ako. Hahahaha.
Pagkapasok ko sa loob ng Campus, nakita ko agad si Angelo. Tatawagin ko na sana s'ya kaso biglang may humawak sa kamay n'yang babae at hinila ito.
"Ano 'yon?" 'Yan nalang yung lumabas sa bibig ko. Lahat ng energy ko ngayong araw, parang biglang nawala.
"You're being paranoid, Jani. Stop it." Then I gently slapped my cheek. "He's doing something to make you happy today, so erase those negative thoughts." I said to myself then I started walking to the hallway where my room is located.
I entered our room with my biggest smile. "Good morning mga yawa." Bati ko sa mga classmates ko.
"Oh, happy ka yata?" Jim said.
"Yea yea. It's our 8th monthsary kaya I'm so happy. Yieee!" I replied.
"Yieeee, may pakain ba si mayor?" Pabirong sabi ni Ara.
"Kung may pakain man, hindi ka parin invited." Pabiro ring tugon ko rito.
"Sit down," our teacher said while she's still in front of the door "we have a special quiz so prepare na." She continued.
"Awwww," tanging mga reklamo nalang ang narinig ko sa loob ng room. Habang ako, ito nakangiti lang dahil sa sobrang excitement.
*****
Uwian na pero hindi parin ako tinatawagan ni Angelo. Medyo nadi-disappoint na ko this time.
"Ako na nga lang yung tatawag." Sabi ko sa sarili ko.
While browsing for his number on my phone, I saw him in my peripheral vision. Nang mapalingon ako rito, nakita kong s'ya nga. Lalapitan ko na sana s'ya, but for the second time, there's the girl again holding Angelo's hand. Wtf is happening?
This time, I decided to confront them.
"Hi babe," I said with a smile "who's she?"
"Babe? Sino s'ya, Gelo?" Takang tanong naman ng babae kay Angelo at halatang pinagtatarayan ako base narin sa pagtaas ng kaliwang kilay nito.
"S-she's---"
"I'm his GIRLFRIEND. And you are?" I said without giving Angelo a chance to finish his speech.
"Girlfriend? Gelo?"
"N-no. She's not my girlfriend." The moment he said that in front of my face... I felt like, I'm drowning.
"Uhh, miss? Sorry pero hindi kita kilala." Sabi pa nito. "By the way, this is Jinny. My girlfriend. So if you don't mind, we're leaving." Tsaka sila umalis pareho.
Ang sakit. Ano 'yon? Anong nangyare?
Parang bigla akong sinampal without even realizing it. Did he just said, he didn't know me at all? What does that mean? Our 8th months of realationship. Ano 'yon? Panaginip ko lang?
Fuck!
Is this some kind of his prank? Wtf, this isn't funny!!?!
The last thing I realize is, there's a warm liquid oozing on my cheek.
Damn, it hurts.
Gano'n ba talaga kapag nagmamahal ka?
Kailangan talagang nasasaktan?
Kailangan talagang nagsasakripisyo?
Kailangan talagang ipinagpapalit?
Kailangan talagang may nasasawa?
Bakit kapag nagmamahal ka, puro nalang sakit, hirap, pagod, iyak at kung ano-ano pang masasakit na bagay ang mararamdaman mo?
Hindi ba ko worth it?
Hindi ba ko enough?
Bakit hindi??
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Short StoryThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐