Tragedy 1

93 7 0
                                    

Answer my questions, Lucas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Answer my questions, Lucas


"Bakit, Lucas?"

"Pasensya na, Sandra. Patawarin mo 'ko,"

Nag-unahan ang mga luha sa mata ko. Pilitin ko mang pigilan ay hindi ko magawa.

"Bakit ka naghanap ng bago?"

"D-dahil pakiramdam ko nawawala na yung nararamdaman ko para sa'yo,"

Gusto ko siyang sampalin, pero hindi ko magawa.

"Bakit mo ako pinagpalit?"

"Dahil nakita ko sa kanya yung mga bagay na hindi ko makita sa'yo,"

Gusto ko siyang murahin, pero hindi ko magawa.

"Bakit hindi ka sa akin nakuntento?"

"Dahil may mga bagay kang hindi mo kayang ibigay, Sandra,"

Gusto ko siyang saktan, pero hindi ko magawa

"Kulang pa ba ako para sa'yo, Lucas?"

"Tamang-tama ka lang para sa akin, Sandra. Pero lalaki ako, may mga pangangailangan din ako,"

Sinabi ko namang papayag ako sa tamang panahon, diba?

"Mahal mo ba talaga ako, Lucas?"

"Sandra, mahal kita. Mahal na mahal kita,"

"Pero bakit ganito? Bakit ka nagloko? Sabi mo sa akin magiging loyal ka, diba? So, nasaan yung loyalty mo?"

"Patawarin mo 'ko. Oo, totoo naman e. Naging loyal ako sa'yo,"

Pinunasan ko ang mga luha ko. Ngumiti ako sa harap niya at ipinakitang matatag ako.

Isang mahigpit na yakap sa akin ang ibinigay niya. Pero hindi ko siya niyakap pabalik.

"Kung sabagay, loyal naman talaga kayong mga lalake eh. Pero never kayong naging faithful,"

Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Kita ko ang pamumugto ng mga mata nito.

"Marami akong gustong gawin sa'yo, Lucas. Pero hindi ko magawa. Alam mo ba kung bakit?"

Hinaplos ko ang pisngi nito at ngumiti ng mapait.

"Dahil mahal kita. Hindi bale nang ako ang masaktan.... h'wag ka lang,"

Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon