Roleplay World
Isa't kalahating taon tayong naging magkarelasyon sa pekeng mundo na pareho nating kinabibilangan. Sabi mo pa nga sa akin noon na kahit kailan ay hinding hindi ka magsasawang intindihin ako kahit na madalas ay topakin ako.
"Alam mo kung ganyan ka ng ganyan—"
"Ano? Sige ano? Iiwan mo ako, gano'n ba?"
"Bakit sinabi ko ba? Ang sabi ko, ituloy mo lang 'yan tapos kapag napagod ka ng magalit, balik ka na sa akin ulit,"
Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaswerteng babae noong naging akin ka. Pakiramdam ko lahat ng katangian ng isang mabuting boyfriend ay nasa iyo na.
"Kita mo 'yang fries and burger?"
"Halaaaa, para sa akin ba 'yan?"
"Tanga. Bumili ka ng sa iyo, hampaslupa!"
Sobrang napikon ako sa sagot mo pero mas nanaig yung pagtawa ko. Hindi ko alam kung boyfriend ba talaga kita o kung ano?
Hanggang sa biglang pakiramdam ko ay nanlalamig ka na. Parang bigla kang nagbago at hindi ko alam kung anong dahilan. Nag message ako ng nag message sa iyo pero hindi mo ko nire-reply-an.
"Uyy! Ang dami ko nang message sa iyo pero hanggang ngayon wala ka pa ring reply. Open ka naman?"
Puro lang seen. Minsan 'k' lang ang tanging tugon mo sa mga messages ko. Hanggang sa naisipan kong i-prank ka.
"Nakakainis 'to. Break na nga tayo!"
"Okay,"
Nagulat ako sa ni-reply mo. Bigla akong nakaramdam ng takot kasabay ng biglang pagbigat ng dibdib ko. Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi at agad na binawi ang sinabi ko.
"Hoy, joke lang. Parang sira 'to,"
"Hindi. Sige mag break na tayo,"
Biglang nanginig ang mga kamay ko at halos maihulog ko ang cellphone ko dahil sa sinabi mo. Hindi ko akalain na iyon ang ire-reply mo.
Kasama sa RULES ng RPW ay ang h'wag mahuhulog sa ka-RS mo dahil kapag gano'n ang nangyari ay matatalo ka. I admit. Talo ako sa larangan ng pag-ibig dito sa mundong ito. Pero alam kong mahal mo rin ako dahil naramdaman ko iyon noong tayo pa.
Pero may isang tanong na talagang nagpakirot sa dibdib ko dahil sa sinagot mo.
"Itatapon mo nalang ba basta-basta yung relasyon natin? Diba mahal mo ako? O minahal mo ba talaga ako?"
"Sino bang may sabi sa iyong mahal kita? RPW to, hindi mo dapat sineseryoso,"
"Pero kahit pa rpw lang to, mahal na mahal kita,"
"Hindi kita mahal. Pang RPW ka lang kaya pwede ba, hayaan mo nalang ako!"
Doon mismo sa sagot mo ay tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko. Sobrang sakit maiwan sa ere habang nangangapa ako ng sagot sa mga tanong na ko.
Sa isa't kalahating taon na iyon. Hindi ko akalain na gano'n lang kadali para sa iyo na itapon yung relasyon nating dalawa. Na after all this years, pang RPW lang pala sa akin ang tingin mo.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
Short StoryThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐