Hindi Na Pala Ako"Babalik na ako sa room," Paalam ng boyfriend ko habang nakatingin sa phone niya.
"Maaga pa naman ah? Limang minuto palang tayong magkasama," wika ko.
"May assignment pa akong tatapusin. Gusto mo bang bumagsak ako dahil sa iyo!!?" Hindi ko alam pero para akong nanigas sa kinauupuan ko. Nagulat ako sa reaction niya kaya naman tanging pagtango nalang ang naitugon ko at agad na siyang lumakad palayo.
'Hindi ka man lang ba lilingon?
Bakit pakiramdam ko nanlalamig ka na?' sabi ko sa aking isip habang sinusundan siya ng tingin.
— — —
Naglakad ako sa hallway papuntang room nila para sana silipin siya. Pero hindi ko pa man nararating ang room nila ay nakita ko siyang nakaupo sa bench sa gilid ng hallway.Lalapitan ko sana siya kaso may babaeng biglang lumapit sa kanya kaya naman agad akong nagtago at pasimpleng sumilip. Maganda siya at para bang close na close na sila.
"YEY!!! I WON I WON!" sabi pa ng babae.
"Hahahahahaha, madaya!" Masayang sagot naman ng boyfriend ko.
Nung makita ko ang ngiting iyon mula sa kanya. Naalala kong iyon din ang ngiting ipinapakita niya sa akin noong nililigawan niya pa lamang ako—noong ramdam kong mahal niya pa ako.
"Matagal ko na rin palang hindi nakikita ang mga ngiting iyon," aniko sa aking sarili kasabay ng pagsilip ng mapait na ngiti sa aking labi.
Yung mga ngiting ako ang dahilan noon—yung mga ngiting ipinapakita niya sa akin noon; hindi ko akalaing iba na pala ang pinanggagalingan ngayon.
Hindi mo naman ako in-inform na hindi na pala ako.
Hindi mo naman ako in-inform na wala na pala akong halaga saiyo.
Hindi mo naman ako in-inform na nawala mo na pala yung ipinatago ko sa iyong susi sa relasyong magkasabay nating binuo.
Kung sana'y sinabi mo sa akin agad, edi sana ay nakapaghanda man lang ako para hindi rin ako nasasaktan ng ganito.
—
Photo credits to SUN Project.
Follow SUN Project's page for more cool art works.
BINABASA MO ANG
Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)
ContoThis is a compilation of TRAGIC stories. PLAGIARISM is a CRIME. - 𝑽𝒊𝒏 𝑫𝒆𝒗𝒊𝒆𝒓𝒐