Tragedy 8

16 3 0
                                    

Make Me Viral

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Make Me Viral


"S'ya ba yung nasa viral video?"

"Oo, s'ya nga!"

"Ano ba 'yan? Kababaeng tao tapos ganyan yung ginagawa sa buhay. Nakakahiya s'ya."

Rinig ko ang pag-uusap ng tatlong babaeng nakasalubong ko sa hallway ng campus. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila. 

Anong kwento?

Galing ako sa birthday party ng pinsan ko. Hindi ako nag-inom dahil hindi naman ako lasinggera kaya naman nakikain lang ako sa kanila.

11 pm. Lumapit sa akin yung pinsan kong lalake. Pauwi na dapat ako noon, pero ang sabi n'ya inumin ko daw muna yung juice na tinimpla n'ya para hindi ako mauhaw sa pag-uwi ko.

Ayaw ko pang tanggapin noong una kasi natakot ako nung nakita kong namumula yung mga mata nya. Pero dahil nangungulit s'ya ay tinanggap ko na rin. Ininom ko ito agad, at nang maubos ko ay saka na ako nagpaalam.

Mga dalawa o tatlong minuto pa lang akong nakakaalis mula sa kanila ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Na out of balance ako pero may sumalo sa akin mula sa likuran. Pagkatapos no'n ay nagdilim na ang paningin ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Nagising ako sa loob ng isang hindi ko kilalang kwarto. Ako lang mag-isa. Walang damit at puro paso ng sigarilyo sa katawan. Tatayo na dapat ako ng biglang kumirot ang aking ibaba.

Wala na akong iba pang nagawa kung hindi ang umiyak.

Kinabukasan, may isang anonymous user na nagpasa sa akin ng video sa messenger ko. Halos malaglag ang panga ko sa napanood ko. Nanginig ang mga tuhod ko kaya naman bigla nalang ako napasalampak sa sahig.

Ako yung nasa video. Tuwang tuwa sa ginagawa ng mga lalaking bumababoy sa akin habang pinapaso nila ako ng sigarilyo nila.

Nakatali ang dalawa kong kamay at paa sa kanto ng kamang hinihigaan ko.

"YIKESSS!!! MAKE ME VIRAL! MAKE ME VIRAL! HAHAHAHAHA"

Yan ang mga sigaw na naririnig ko mula sa sarili kong bibig habang tuwang tuwa naman ang tatlong lalakeng pinapanood ako.

Pinasukan nila ng kung ano ano ang pagkababae ko. May sipit ang magkabilang nipples ko at napansin kong may puting pulbos silang ipinasinghot sa akin.

Sobrang pambababoy ang ginawa nila sakin. Walang kasing sama.

Gustuhin ko mang ibalik ang oras na sana ay hindi nalang ako dumalo, pero hindi ko na magagawa. Nangyari na. Pinagpipyestahan na ako ng lahat. Inaakala na ginusto ko ang nangyari.

Nagpaliwanag ako. Nagpost ako at sinabi ko ang totoong nangyari pero walang naniwala. Hinusgahan nila 'ko, binastos at pilit na hinihila pababa.

Hanggang sa naalala ko.

Bakit ba ako nagpapaliwanag sa mga taong 'to? Bakit ko ba inuubos ang lakas ko para lang ipilit ko sa kanila ang totoo?

I mean, nandito nga pala ko. Nasa pilipinas ako.

Masakit mang aminin pero nasa lugar nga pala ako ng mga taong walang ibang ginawa kun'di husgahan ka kahit hindi naman nila alam ang buong istorya.

Photo credits to SUN Project.
Follow the page of SUN Project for more cool artworks.

Tragedy is not all about pain but lesson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon