SHINE'S POV
"HELLO BALTIC International!" grabe! Parang kailan lang talaga ay isa lang akong public student—sosyal ka na talaga self!
First day, first time! Wala namang interesante sa pagkatao ko.. Simpleng masiyahin na scholar lang, yon na yon.
Papasok na sana ako sa gahiganteng gate ng BI ng makita ko ang sunod sunod na pag arangkada ng magagarang sasakyan. Ferrari, Lamborghini, BMW, MUX, Limo etc. Eh ako? Lakad lang! At least may exercise, duh?
Naalala ko bigla kung ano ang suot ko. Gray mini skirt at white long sleeve na pinatungan ng gray blazer kung saan nakatatak ang pangalan ng unibersidad sa gilid 'non.. Suot ko din ang ID ko. Sa mga lalaki naman ay gray na pantalon, white long sleeve, red necktie at gray blazer na may logo din ng school suot din ang mga ID nila.
Umingos lang ako at naglakad papasok ng school, agad akong binati ni kuya guard.
Namangha ako sa laki ng school, wow! Yung mga estudyante, may mga driver, taga bukas ng pinto ng kotse, taga bitbit ng gamit at iba pang kaek-ekan.
Rampahan yata nang mayayaman to, buset naman!
Araw araw ba silang ganito? Natawa nalang ako bigla ng maisip ko yung na search ko tungkol sa school na 'to. Kung gano kamahal ang tuition? Mahal pa yata sa buhay ko.
Ngumiwi ako.
Dumaan ako sa corridor papunta sa room ko. May mga naririnig pa nga akong nag uusap.
"I heard your family invest in Hynson Corp, how did it go? I mean, how much?!" tila namamanghang tili pa nung isang babae.
Nag flip ng buhok yung kausap nya. "Not that much.. We just invest fifty million in their company," ngumiwi sya. "Pretty small, right?"
"Yeah.. Masyadong maliit.. Maybe your family can add.. Uhm, fifty million more?" suhestyon nung isa.
"Yeah, I'll take that opinion. I'll tell it to my dad.."
"Perfect!"
Halos manlaki ang dalawang mata ko. "Puta, kahit yata pagtrabahuhan ko habang buhay, hindi ako magkakaroon ng ganong kalaking halaga" nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa mga pinagsasasabi ng mga tao rito.
Hinanap ko ang room kung saan ako naka assign at talaga namang nagsisi ako at hindi ko dinala ang jacket ko. Ang lamig!
Yung mga estudyante naman na nandon ay mukang sanay na, yung iba naka jacket pero mukang wala lang at nagse-cellphone. Yung iba.. Naguusap at nagtatawanan.
Humanap ako ng bakanteng upuan para maka upo na. "Yon" bulong ko ng makakita ng bakante sa gitnang bahagi ng classroom.
Umupo ako doon at nilibot ang buong classroom. Sa apat na sulok ng room.. May tig-iisang aircon ang king ina. Kaya naman pala malamig. May white board din. Magaganda din ang mga armchair, kakulay lang ng uniform namin at may tatak na Baltic International.
Nahiya ako bigla umupo, tsk..
Natigil lang ako sa pagmamasid ng may dalawang babae ang lumapit sakin.
Natulala ako sa ganda nya. "Hi! Newbie?"
Hindi agad ako nakasagot. "H-Hi?"
Bigla syang umupo sa tabi ko. "Come on. Don't be shy" nilahad nya ang kamay nya. "You must be a newbie here.. You didn't know me eh" tumawa sya. "I'm Carine Ayla Heather. You can call me Carine"
Tinanggap ko ang kamay nya. "Sunshine Russell Ibañez.."
"Oh? What should I call you?"
Ngumiti ako. "Shine.. Tawagin mo akong Shine" maiba naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/195345549-288-k470581.jpg)
YOU ARE READING
Perfect Wish (Irrevocably Series #3)
Подростковая литератураIRREVOCABLY SERIES #3 Marquis Kolten 'Dos' Faber Jr. Is.. Back! "How I wish our path didn't crossed" All rights reserved © 2020 Highest ranks #2 in Faber #3 in Sawi #5 in Dos