Wish 02

24 1 2
                                    

SHINE'S POV

"IT'S BREAK time! Let's go to the cafeteria!" sigaw ni Carine matapos mag ring nang bell. Nauna pa nga yata kami sa iba naming mga kaklase. Masyadong hyper 'tong si Carine.

"Recess na?" tanong ko sakanya.

Napatigil sya at nagtataka akong tiningnan. "R-Recess? Chocolate?" ano daw?

"Ano na ba?" hindi talaga kami magkakaintindihan ni Carine kahit anong gawin nyo, haha.

"Break" inosenteng sabi nya saka ulit ako hinila papuntang cafeteria.

Recess nga! Putcha, mayaman nga.. Hindi naman alam yon..

Mga tao nga naman.

Nang makapasok kami sa cafeteria ay nalula ako sa laki. Mukang naka catering ang buong cafeteria. Nagkalat din ang mga waiter at waitress.

Nauna ng pumila si Carine at namili sya ng kakainin nya, may binigay syang kung ano bago ako lingunin.

"Just find me, let's eat together, okay Shine?" sabi nya sakin at pilit naman akong tumango.

"S-Sige" sagot ko nalang at naglakad na sya paalis. Hindi ko alam kung saan, basta naglakad nalang sya.

Pinili ko ang gusto kong kainin binigay naman sakin. Ang sasarap nito for sure! Mga pagkaing pang mayaman, ang mga lintek. Baka isuka ko lang to, hahaha.

Aalis na sana ako ng magsalita yung matandang babae na mukang.. Kahera? "Five hundred twenty, ma'am"

Nanlaki ang mata ko. "P-Po?"

"Five hundred twenty pesos ang halaga ng kinuha mo.. Bayad" nagsimula na itong mag sungit.

Wala akong pera! Puta?

"Wala po akong pambayad" sabi ko sakanya.

"Anong wala?! Nag aaral ka dito, wala?! A-" natigilan sya sa pagsasalita ng may naglapag ng dalawang black card sa harapan nya mula sa magkaibang tao. "Sir Vaxter? Sir Phaxton?"

Napalingon ako sa dalawa at parehas silang nakatingin sakin. Hala? "I'll pay for her" Sabi ni Vaxter.

Tumawa si Phaxton. "No, I'll pay for her"

"N-Naku.. Wag na. Nakakahiya lang" nasabi ko nalang, ibababa ko na sana ang mga dapat kakainin ko ng biglang kunin yon ni Vaxter. "Ho-"

Tumingin sya sa kahera. "Take this" binigay nya yon sa kahera na agad naman nitong tinanggap. "Let's go" nabigla ako sa bigla nyang hila sakin kung saan.

Nalingon ko si Phaxton na agad naman masama ang tingin sa nakatalikod na si Vaxter. Padabog nyang kinuha ang card nya at tinago sa kanyang wallet.

Tumigil kami sa isang upuan, napa angat ng tingin kung sino man ang naka upo don. Si Caine at Carine!

Nagtataka namang tumingin si Caine samin. "Vaxter? Mind you-"

"Shut up, Heather"

"There's two Heather here, which one?" tanong ni Carine.

"Of course your idiot twin" sagot agad ni Vaxter na pinaupo ako sa tabi ni Carine. Binigay nya sakin ang pagkain at nginitian ako. "What's your name?"

"She's Shi-"

"Shut up, Carine" sumama ang muka ni Carine at ngumuso.

Maya maya ay dumating si Phaxton na may dalang energy drink.

Napayuko ako at nagpakilala. "Sunshine Russell Ibañez.. Shine nalang" ngumiti ako sa kanila.

Biglang may nagsalita. "Where's my food?" napalingon kaming lahat, si Dos!

Perfect Wish (Irrevocably Series #3) Where stories live. Discover now