Wish 05

14 1 2
                                    

SHINE'S POV

"YOU KNOW WHAT, Shine? I'm wondering where the hell have you been all my life?" sabi ni Carine sakin habang naka kapit sa braso ko, sanay na ako. Isang buwan na din ang nakalipas simula ng mag start ang klase. At isang buwan na ding hindi napasok si Dos, nung first day lang sya pumasok, tsk. "Because all my life, I haven't been able to get a friend like you"

"Ah eh.. Malamang nasa school pa ako dun sa—"

"No.. That's not what I meant, Shine. Just don't mind me nalang" hindi maarteng sabi nya, sadyang ganon lang talaga sya magsalita.

Napangiti naman ako dahil hindi pa nadating ang prof namin. "Last one minute na hindi dumating si Prof.. May early dismissal tayo" abot langit ang ngiti ko habang tumitungin sa wall clock ng classroom.

"Yiiee, oo nga! Let's go to the mall together, can we?" yaya nya pa.

"Naku, Carine. Ano namang gagawin ko sa mall?"

"Shopping, what else?" ngumiwi sya.

Tinawanan ko lang sya, nagtataka naman syang nakatingin sakin. "Wala akong pera," ngumiti ako sakanya at nagsimulang mag ayos ng gamit. Sigurado na akong hindi dadating si prof.

Advance lang ako, ano ba mga sis..

"It's my treat naman eh, sige na Shine" inalog alog nya ang braso ko.

Umismid ako. "Hindi pwede, at tsaka nakakahiya na din"

At birthday ni Chad ngayon, ano ba yan..

"Sige na, Shine! I promise, we won't take long.. But of course, kasama natin si Caine. I'm not allowed to go anywhere without him kasi eh" ngumiti sya sakin.

Hindi na ako magtataka kung mababakas ang awa sa muka ko para sa kanya. Pero alam kong hindi nya yon pansin.

Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi nya. "S-So.. That's a n-no" sobrang lungkot ng boses nya!

"Carine.."

Yumuko sya. "No, it's okay. It's okay.." pero alam kong malungkot sya. Bumalik ang dati nyang emosyon, blangko.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Sige na.. Sasama na ako sayo" saka bumuga sa hangin.

Nagtataka nya akong nilingon. "Really?"

"Oo na nga—"

"Kyaahhh!!" tumili sya at niyakap ako. Muntik ko pa syang maitulak dahil sa sobrang pagka gulat.

Napatingin naman samin ang mga kaklase namin. "Carine.. Nakatingin—"

Pero kumalas lang sya at kinuha ang bag nya kasabay ng paghila sakin, kung hindi ko hawak ang bag ko ay maiiwan ko yon. "Caine! Let's go!"

"Huh? Why? It's not dismissal yet" ungot ni Caine dahil nakikipag usap ito kay Phaxton at Vaxter, parehas ngumiti sakin ang dalawang tukmol.

"The professor is late, so let's go! We're going to the mall!" sa sinabing yon ni Carine ay nagkanya kanyang labas ang mga kaklase namin at sinundan kami ni Caine palabas.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng marating ko ang kotse na sasakyan daw namin ni Carine, white BMW CL500 to kung hindi ako nagkakamali.

Sumakay ako at umupo si Carine sa driver's seat. "Si Caine?" tanong ko.

"He has his own car, Shine. There he is!" tinuro nya ang kadadaan lang na kotse sa harapan namin at agad nyang sinundan yon. "Oh, Shine! Put your seat belt on!" nginitian nya ako.

Pero napatingin lang ako sa kotse ni Caine.. Manghang mangha ako sa kotse nyang Red Ferrari.

"Ganito kayo kayaman?" napangiwi ako habang tinanong ko sya.

Perfect Wish (Irrevocably Series #3) Where stories live. Discover now