Wish 35

20 1 1
                                    

A/N: I'm still trying to drop a tear here, bitches.. Happy reading ♡  3.07k words for y'all! Yiiee~

SHINE'S

NAGISING AKO sa isang malakas na kalampag nang ilang mga gamit sa kusina. Agad naman akong napabaliwas ng makitang wala si Dos sa tabi ko. Nasan na 'yong lalaking laitero na 'yon?

Tumakbo ako palabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Alalang alala ako na may kung anong nangyari sakanya, today is a bad day!

Anak nang tinapa naman kasi 'yong lalaking 'yon, oh! Pinaglihi pa sa katang si Dos? Ang kulit, sinabi nang mag stay sa kwarto.

Pero agad akong napasiklot ng maabutan ko syang nagawa ng nakakabinging mga ingay.

"Marquis Kolten Jr!!" inis na sigaw ko sakanya.

Pero imbis na tumigil ay tumawa lang sya at mas lalo pang nilakasan ang pagkalampag sa mga gamit. "This is fun, Sunshine! By the way, good morning!!"

"Whatever! Ang kulit kulit mo! Ang ingay Dos!" katyaw ko sakanya pero tinawanan mya nalang ako.

Halos mawala ang mga mata nya sa pagtawa. "I just want to wake you up with these things"

"Nakakairita sa tenga, gusto mo kalampagin ko yan sa loob ng bungo mo?" banta ko.

Tumigil naman sya bago ngumisi. "No, thanks. I rather do it with the Quartet Threat.."

"Aish! Sarap sarap nang tulog ko, eh! Tsk, makaligo na nga!" iritado kong singhal.

Pero may pahabol pa ang loko. "Can i join you?"

"Ulol! Hindi ko isusuko ang bataan!" padarag kong nilapag ang kutsarang nasa sahig sa lamesa.

Humagalpak naman agad sya nang tawa. "Just kidding.. Tsaka I'm just offering a bath! Not what you think! Unless..?"

"Unless, what?" tinaasan ko sya nang kilay.

Humalukipkip sya bago ako nginisian. "Unless you want us.. Do it?"

"Tse! Tigilan mo nga ako!"

"Hahaha!"

Padabog naman akong bumalik sa kwarto para maligo nalang muna. Wala akong balak mag swimming ngayong huling araw namin dito. Susulitin ko nalang 'to kasama si Dos.

Matapos maligo ay nagbihis na ako. Lalabas na sana ulit ako nang kwarto nang mapatingin ako sa labas.

Dahil nandon sya..

Tulala sya sa kawalan habang nakaupo sa white sand. May hawak din syang kung ano na hindi ko makita, pero parang shell. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko magawang tingnan ang itsura nya.

Pero isa lang ang sigurado ko,

Malungkot sya.

Dali dali akong lumabas para puntahan sya, halos matumba na ako dahil sa pagmamadali.

Nang makatayo sa harapan gilid nya ay agad nya akong tiningala, sumilay ang matamis sa ngiti sa labi nya.

Dahan dahan akong naupo sa tabi nya. "Anong ginagawa mo dito sa dalampasigan?" tanong ko.

He shrugged. "I just found myself staring at nowhere"

Huh?

"May masakit ba sa'yo?" tanong ko.. Ulit.

Agad naman syang nailing. "Wala.. Wag kang mag alala, okay lang ako." binigyan nya ako ng pilyong ngiti.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga ngiti nya. "Ang awkward mo kausap ngayon" pag amin ko.

Perfect Wish (Irrevocably Series #3) Where stories live. Discover now