A/N: Long chapter! Malaking bawi 'to dun sa ilang araw na walang update ha! Haha lovelots❤️
SHINE'S POV
"ANAK NG TUPA, sarap sabunutan nung Carine na yon" angil ni Tessa ng magsama sama kami sa field. Nagkalat ang estudyante dahil open na ang mga booths. "Buti natagalan mo yun, Sinag!"
"Dapat lang talaga na iwanan mo yon, sama ng ugali" humalukipkip si Kat Kat at kumagat sa chocolate chip na nabili nya sa food bazaar ng 2nd year. "Bwisit, ang mahal mahal neto" kunot ang noo nya.
"Uhm, that's a chip dipped with melted butter and expensive chocolate, so no doubt" singit ni Dahlia na nag i-scroll sa phone nya.
"Ay naku, 'day! Piso lang siguro ito sa inyo! Wala naman kaming datung, hay!" bakla'ng bakla'ng sabi ni Chad.
Napailing naman si Estela. "D-Datung? What's that?"
"Money, Estela" sabi ko sakanya.
Nanlaki naman ang mata nya saka humalukipkip at umupo sa damuhan katabi si Dahlia. "I didn't know that"
Nagsi-upuan nalang din kami para makapag usap usap. Lilom naman dito at matagal pa bago matapos ang first day ng foundation day.
"Even we have a lot of money, we're also kinda hate wasting money, you know" sabi ni Dahlia habang nakatingin padin sa phone nya. "Our parents worked hard to make more money, and I don't want to waste"
"Ay buti ka pa, 'day! Di tulad ni bruha'ng Carine!" sabi ni Chad saka tumayo para pumunta kung saan.
Natawa ako. "Ang bad nyo masyado kay Carine, ha"
Nabatukan tuloy ako ni Kat Kat. "At natawa ka pa? Gaga ka talaga, Sinag!"
Ngumuso ako. "Lahat naman ng masasama ang ugali ay may dahilan kung bakit ganon—"
"But her reason is invalid, dear. There's no way you could forgive her," putol ni Dahlia sa sinasabi ko.
Kumunot ang noo ko. "As if she'd say sorry. Her pride is higher than you expect. She's a Heather!" anang ni Estela.
"That's irrelevant of you," nakangiwi'ng sabi ko kay Estela at Dahlia.
Sabay naman silang ngumiti at bumalik ang tingin sa mga cellphone nila. Si Kat Kat naman ay napabuntong hininga nalang.
Biglang sumigaw si Chad. "Sinag, d'yos ko!!" napalingon kaming lahat sakanya, hawak sya ngayon ng dalawa lalaki. "Hinuhuli ako ng mga fafa!"
"What the fuck?" gulat na sabi ni Dahlia.
Tumayo ako at tinanong yung dalawa. "Bakit nyo sya hinuhuli?!"
"He's accused for being a gay!" sabi nung isa, yung singkit.
"Aray ko! Bakla na nga eh, so pakibitaw mga pogi!" pakiusap ni Chad.
Nagsalita naman si Estela. "Where are you bringing him, Yoon Hang Bin?"
Ano'ng pangalan yon? Yoon Hang Bin?
"Hey there, korean guy.. What's up?" paglalandi ni Dahlia.
Oh, so korean? "We're taking him to the jail booth, Dahlia" ngumiti ito kay Dahlia.
Kinalabit ko si Dahlia. "Mamaya na ang landi, aba"
Ngumuso naman sya. "Hoy, mga bading ba ang huhulihin?" tumango si Estela kay Tessa. "Haha! Wag ka mag alala bakla, ilalabas kita dun! Sige na!"
Agad naman sumama si Chad dun sa dalawang lalaki para ikulong sya sa jail booth. Tatawa tawa naman ako'ng bumalik sa pwesto ko at sumandal kay Kat Kat, kaya muka na ako'ng nakahiga.
YOU ARE READING
Perfect Wish (Irrevocably Series #3)
Teen FictionIRREVOCABLY SERIES #3 Marquis Kolten 'Dos' Faber Jr. Is.. Back! "How I wish our path didn't crossed" All rights reserved © 2020 Highest ranks #2 in Faber #3 in Sawi #5 in Dos