Wish 26

11 2 3
                                    

SHINE'S POV

"GRANDMA! I missed you!" sigaw ni miss Wynna nang makababa ang isang matanda at may edad na babae sa isang magarang sasakyan. Payat ito at maputi, ang buhok nito ay namumuti na din. "Grandpa!" bati naman nito sa isang matangkad at matandang lalaki. Nakasalamin ito at asul ang mata.

"Wynna" anang ng lolo nila. "Wayne"

"Grandpa!! I missed you both!!" parang bata lumapit si sir Wayne sa lolo nila. "Grandma.."

"Psh, you look stupid, Wayne" anang ni miss Wynna na hindi pinansin ni sir Wayne.

Si Dos naman ay hindi mawala ang ngiti habang nakatitig sa lolo't lola nya. He's happy. Masaya sya pag nandito ang lolo at lola nya.

Napangiti ako.

Nagsunod sunod silang bumati sa dalawang bagong dating. Kamustahan. Biruan.

Tumawa pa ang mommy ni Dos ng guluhin ni Sir Von ang buhok nya. Hinanap din nila si miss Xiena pero sabi ni Sir Ranger ay papunta palang sya.

Napalunok ako. I don't belong here, shit.

Maya maya lang ay nakipag usap naman ang mga ito sa bata, kay Jaze. Ngayon ko lang napansin, wala pala kaming ibang kasamang bata kundi sya.

"Where is Dos?" anang ng lola nila.

Si Dos naman ay lumingon sakin at tumango nalang ako. "Oh? Go" Exited naman syang tumayo at lumapit sa lolo at lola nya na agad syang niyakap.

Pinanonood ko sila habang naguusap, hindi ako nakinig dahil ayaw ko maging chismosa.

Pero nagulat nalang ako ng biglang may umupo sa tabi ko. Si ma'am Luz!

"Hi.." ngumiti sya sakin.

Napaigtad ako. "M-Ma'am Luz"

Natawa sya. "Do I look like a teacher to you, Sunshine, hija?" sabi nya. "Just kidding, you can call me tita Luz, if you want"

Napalunok ako. "A-Ah, sige po"

Tumitig sya sakin. "You know what, I'm sorry if we see you as Carine earlier. It's just that, kamuka mo talaga sya" she smiled at me sweetly. "But now, i can see difference na. You are sweet, quiet, shy and lovely. While Carine is a total opposite" napailing sya.

"Thank you po?" naiilang na sagot ko.

"You are so innocent" malakas syang natawa.

"Ah.. Hehe"

Halos matumba ako sa kinauupuan ko ng hawakan nya ang kamay ko. "Hey, Sunshine.." tinitigan nya ako. "I can see happiness on my son's eyes, you know"

Hot-seat! Anak ng ginto naman!

"Please stay beside him, Sunshine?" may lungkot sa mga mata nya pero nanatili ang ngiti sa labi nya. "He's happy. We used to do this often but.. Ngayon lang sya ganyan. He's hype and being clingy. It's because of you"

"Being happy is a choice," napait akong ngumiti sa kawalan. "Pero hindi po lahat ng hindi mukang masaya, malungkot"

Napangiti lalo sya. "You are an open to minded girl.. Thank you in advance, my dear" ang ganda nya. Bigla naman akong nakaramdam ng panliliit para sa sarili ko.

Sya, may edad na pero ginito padin ang itsura nya. Ang ganda nya, as in! Para silang pinag biyak na bunga ni miss Wynna. May edad man pero nagmumuka syang bata sa suot at pagmamaraan nya ng pakikipag usap.

"Mom! What did you do to her?" bigla nalang sumulpot si Dos at nilayo ako sa mom nya.

Para namang wala syang tiwala kay Tita Luz..

Perfect Wish (Irrevocably Series #3) Where stories live. Discover now