SHINE'S
"SINAG? Nasan ka?" bungad ni Ate Eli sa pagsagot ko sa tawag nya. Tapos na ang lahat ng activity for today at nag hahanda na ang mga estudyante sa pag alis. Hindi ko na din nahalagilap sina Kat, baka umuwi na. Sina Estela at Phaxton ay kasama si Caine at Hanna, yung nakapanalo sakanya, nagpunta yata ng mall kasi yun ang paalam ni Caine samin. Sina Vaxter at Dahlia, hindi ko alam kung saan nagpunta, hmm.. Alam nyo na.
At si Dos, agh! Kung wala yung siyam na yon dito, meaning.. Naiwan kami ni Dos na kaming dalawa lang. Lagi pang nakabuntot sakin.
Tulad ngayon. Tinaasan nya ako ng kilay ng makita'ng nakatingin ako sakanya.
"Sinag! Nandyan ka pa ba?" bumalik ako sa sarili ko ng magsalita ulit si Ate Eli. "Nasan ka ba'ng bata ka?"
"Nasa Baltic pa po" sagot ko habang nakatingin parin kay Dos. Naka crossed arm naman sya. "Wag ka maingay" sabi ko sakanya nang walang boses.
"I'm cool" sagot din nya ng walang boses.
"Ah, mapapadaan kasi ako dyan eh. Sabay na tayo pauwi mag lakad" tugon ni ate na kinalaki ng mata ko. "Sa ospital sa kanto lang naman ako naka duty ngayon.. Maaga kami pinauwi"
"H-Ha? Ay ate! Ano k-kasi.. Sakay ako pauwi!"
"Ha? Edi sabay na ako. Sayang gasolina, haha" saka sya tumawa. Kumunot ang noo ni Dos ng mapansing nagpa-panic ako. "Papasok na ako. Ayaw nga lang ako papasukin ng guard, wala daw akong ID"
"Nasa gate ka na ate?!" sigaw ko.
Napalingon ako sa banda'ng gate at nakita ko nga sya na nakapamulsa sa uniform nya at hawak ang cellphone nya. "Oo, hindi kita makita—opo, kuya.. May iniintay lang. Ah salamat ho" kita ko'ng kinausap sya nung guard.
"Ay sige, ate!"
"Baka naman gusto mong labasin ako dito, Sinag?" natatawang tanong nya sakin.
"Aayusin ko lang gamit ko ate. Lalabas na ako"
"Oh sya, sige" sagot nya saka binaba ang tawag.
Ang totoo ay nakaayos na ang gamit ko. Iniwan ko lang ang iba kong gamit sa locker dahil kailangan ko pa bukas.
Napatingin ako kay Dos. "What?"
"Umuwi ka na, uuwi na ako" sabi ko sakanya.
Umiling sya. "No. I'll drive you home" ngumiti sya sakin at kinuha ang bag ko. "Oh, i forgot. I bring my driver nga pala"
"Oh? Share mo lang?"
Tumawa sya. "Let's go"
"T-Teka! Yung ate ko nasa labas! Hindi ka nya pwede makita—"
"Why not?"
"Basta!" inabot ko ang bag ko pero inangat nya yon sa ere. "Akin na! My sister is waiting for me! Dos naman!"
Wala ako'ng pakialam sa ibang estudyante na nadaan na napapatingin samin. "Not until you let me drive you home" marahang sabi nya.
Hinampas ko ang dibdib nya, pero nailayo ko agad ang kamay ko nang maramdama'ng matigas yon. Nanlaki ang mata ko.
Payat sya pero hindi ganon kapayat na halos buto buto na. Pero ni minsan hindi ko naisip na matigas ang katawan nya. Tsk.
Ngumisi sya. "I may be thin but I do workout every weekend at the gym"
Sino nag tanong?
Umismid nalang ako at tumalon para maabot yung bag ko at naabot ko naman. Napabitaw sya don.
"Shine!"
"Goodbye!"
"See you tomorrow is the right term, we still gonna see each other—"
"Whatever!" singhal ko saka sya tinalikuran.
Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa may gate. Agad ako pinag buksan ni kuya Carl, yung guard. Halos kaedad ko lang, medyo close din kami. Pero hindi yung sobra, hehe. Kung nagbabatian lang sa umaga at hapon pag uwian, ganon.
Walang malisya! May girlfriend 'tong si bossing! Hehe.
"Sinag! Buti naman lumabas ka na" hinalikan ako ni ate sa pisngi na kinangiwi ko. "Ganyan sa mayayaman, diba? Beso beso, haha" bulong nya pa.
"Gaga haha. Sorry natagalan, 'te" tumawa naman sya.
"Ay Shine, ikaw pala.. Kapatid mo?" tanong ni Kuya Carl sakin, tumango naman ako. "Ah! Sorry! Akala ko kasi kung sino kaya hindi ko pinapasok" napakamot sya sa ulo. "Hindi kasi kayo magka muka, hehe"
"Naku, okay lang kuya! Hindi naman yon big deal, sige una na kami ni Ate!"
Tumango nalang sya. "Sige. Papasukin na kita sa susunod miss!" sabi nya kay Ate.
Ngumiwi si Ate. "Wala ng susunod, kuya guard.." biro nya na kinatawa naming tatlo.
Dapat mag mahalan ang magkaka-uri.. Hahaha!
"Sige! Ingat!"
Nag paalam na kami at nagsimula ng maglakad pauwi. Medyo madilim na din kaya naman binuksan na ni Ate ang flashlight ng cellphone nya.
Hindi na ako natakot kahit may adik o mambastos sa tabi tabi. Dahil siguro kilala na kami dito ni Ate. Pero syempre, hindi mawawala yong ibang ganon.
Nagkukwentohan pa kami ni ate dahil masyadong malayo pa ang bahay namin.
"Oo! Hahaha! Tapos inis na inis si Kat nung natalo ni Estela kanina" kwento ko pa sakanya.
"Ah talaga? Sayang, hindi ko nakita muka ng loka" tumawa si Ate Eli.
"Grabe talaga! Haha!" saka ako tumawa ng tumawa. "Pero 'bat ganon yon, Ate 'no? Sa bahay, ang daldal. Pero sa school, ang taray!"
"Hayaan mo na, jusko! Pa attitude yang si Kattrine!" hinampas nya ang braso ko.
Humagikhik ako ng tawa. "Hindi ako maka get over, hahaha—"
Napalingon kami ni Ate ng biglang may bumusina mula sa likod namin.
"Huh? Sino yan?" tanong ni ate.
Mukang mamahalin yung sasakyan! Halos masilaw ako dahil sa ilaw. "Malay ko, aba—putangina!"
Napahiyaw ako ng matanaw ko kung sino ang nagmamaneho 'non. "Baket?" tanong ni Ate.
"Tangina! Akala ko ba may driver yan?!" hinawakan ko si Ate sa braso at hinila hila sya. "Tara na!"
"Bakit nga?! Kidnapper ba yan?"
"Kid ka pa ba?" tumaas ang kilay ko.
Binatukan naman nya ako. "Gaga! Seryoso—!"
"Sunshine!" bigla nalang may sumigaw. Napalingon kami ni ate don at nakita ko si Dos na nakadungaw sa bintana. "I'll drive you home!"
Napahilot ako sa sintido ko dahil sa inis. "Sinabi ko ng.." napalingon ako kay Ate. "Umuwi ka na, Faber!"
"No can do! Tara na, please?"
"Tara na, Sinag.. Nakakahiya" bulong sakin ni Ate.
Kinurot ko ang bewang nya. "Mas nakakahiya kung sasakay tayo"
"Shine, let's go!"
"Tara na!!" hinila ako ni Ate. "Hi, pogi—"
"Ate Eliana!" sigaw ko. "Naku, Dos! Next time nalang. Uuna na kam—"
"Sumabay na kayo, Ms. Ibañez"
Natigilan ako sa boses na yon.
"M-Miss Xiena?"
Mas nakakahiya, d'yos ko po..
~✒️🌙~
YOU ARE READING
Perfect Wish (Irrevocably Series #3)
Teen FictionIRREVOCABLY SERIES #3 Marquis Kolten 'Dos' Faber Jr. Is.. Back! "How I wish our path didn't crossed" All rights reserved © 2020 Highest ranks #2 in Faber #3 in Sawi #5 in Dos