SHINE'S POV
NAG SO-SCROLL ako sa Instagram nang makita ko ang story ni Dos. Kumunot ang noo ko at binuksan 'yon.
Picture ko 'yon habang nakain sa rooftop. Wala sa camera ang paningin ko at nililipad din ang buhok ko dahil sa malakas na hangin. Nakatingin ako sa malayo at nakade-kuwatro'ng pambabae.
Nakita ko ang caption. 'made my day' na talaga'ng kinalaglag ng panga ko. Sa sunod naman ay video 'yon.
Ito yung kanina! Bakit nya nilagay sa story nya?! Nakakahiya!
"Dos naman! Ibaba mo nga 'yan!" inis na singhal ko sa video.
Tumawa lang si Dos bago iharap sakanya ang camera. "She's being grumpy again" at dun natapos ang video.
Agad kong binulsa sa bag ang cellphone ko dahil sa kahihiyan. Inayos ko ang damit ko para maghanda sa game. Kailangan ko sya'ng matalo!
Maya maya lang ay nagsimula nang magsi dumog ang mga estudyante sa wide space. Nilapitan ako ni Dahlia, nasan si Estela?
Nakangisi sya sakin. "You, ha.. I thought you were in danger kanina. You were with Dos pala" bigla nya nalang ako tinusok sa tagiliran.
"P-Paano mo nalaman?" gulat na sambit ko.
"Sa Instagram ni Dos, duh?! He's back in blond pala, 'no? He became more hot, ugh" puna nya saka inangkla ang braso sakin.
Umirap ako. "Tsk, tumigil ka nga Dahlia" tumawa sya. "Nasan ba si Estela?"
"Oh! Speaking of that bitch, she won't join the game.."
"Ha? Bakit naman?!" gulat na tanong ko.
Bakit naman kasi hindi sya sasali? Magaling sa sport si Estela at malaki sya'ng kawalan pag hindi sya sumali!
Hindi pwede! Kailangan ko si Estela! Pag natalo ako sa pustahan namin ni Dos—wala ako'ng choice kundi i-date sya!
Yeah, i like him. Pero masyadong mabilis para sakin! "She can't join since she's the president, tsk"
"What?!" inis na singhal ko.
"Yeah. She can't, she's one of the judge, i think.."
Oh shit! Hindi talaga pwede 'to!
Bumagsak ang balikat ko. "Dahlia.. Hindi pwede.. Kailangan natin matalo ang boys!" nagpapadyak pa ako.
Dumating na din ang mga ka-team namin from other schools. Kasama na 'don si Tessa, si Kat Kat naman kasi ay walang interes sa volleyball.
"Sinag! Yiiee, magkasama tayo!" tili nya at inakbayan ako. Bahagya sya'ng nakatingkayad sakin.
Mas mataas ako kay Tessa pero mas matangkad sakin si Dahlia ng konti. Uhm, bahala kayo.
Umiling ako. "Kailangan natin si Estela" sabi ko kay Dahlia.
Kumunot ang noo nya. "We can't have her, girl. The owner wants her there"
"Si miss Xiena?"
"Yeah.. Gusto din daw ni Dos. Well that's a sudden change kaya medyo nagulat ang lahat" she shrugged.
Bumunto'ng hininga ako. "May problema ba, Sinag?" tanong sakin ni Tessa.
Umiling ako. "Basta talunin nalang natin ang boys" sabi ko.
"Of course! So we can see them dancing without their shirts!!" nagtatalon pa si Dahlia sa sobra'ng tuwa.
Ngumuso naman si Tessa. "At ayoko'ng sumayaw ng naka two piece, letse" napakamot sya sa batok.
YOU ARE READING
Perfect Wish (Irrevocably Series #3)
Teen FictionIRREVOCABLY SERIES #3 Marquis Kolten 'Dos' Faber Jr. Is.. Back! "How I wish our path didn't crossed" All rights reserved © 2020 Highest ranks #2 in Faber #3 in Sawi #5 in Dos