Wish 34

13 1 2
                                    

A/N: Ready na ba kayo sa next chapter? Ha? Ha? Hahaha!

SHINE'S POV

WALA AKO SA SARILI nang magising ako kinabukasan. Wala din si Dos sa tabi ko nang magising ako. 10 AM na nang maidilat ko ang mga mata ko.

Sumakit pa ang ulo ko sa mga pinagsasabi ni Dos kahapon, hindi ko tanggap. Namamaalam sya, nakakairita lang.

Nanligo ako at nagsuot nang dolphin shorts at simpleng tank top na labas ang pusod ko. Tinuyo ko ang buhok ko bago ko 'yon pinuyod sa clean bun. Naka paa lang akong lumabas nang silid.

Agad akong nag tungo sa kusina para sana uminom nang tubig. Pero nakita ko si Dos 'doong balik sa orihinal na kulay ang buhok at may hawak na malaking mangkok.

Nakasuot sya nang knee shorts at fitted sando.

"Good.. Good morning, Sunshine" nakangiting aniya. "As promise, sweet banana for you"

Binaba nya 'yon sa lamesa at pinaghila ako ng upuan. Nakatulala lang ako sakanya, sinasaulo ang bawat kilos, angulo ng muka, katawan.. Miski ang boses nya.

Hindi ko ma-imagine na gigising sa umaga at papasok sa school at hindi ko sya makikita.

Talaga ngang hindi ko kaya..

Naiiyak na naman ako, punyemas.

"Shine?" napansin nya rin siguro ang pagkakatulala ko. "Let's eat na"

Pero hindi ko sya pinakinggan, instead i ran towards him and hug him tight. Sa dibdib nya ako umiyak nang umiyak, ramdam ko naman na natigilan sya.

"S-Shine.. Why are you crying?"

Humihikbi akong tumugon. "S-Sorry.. Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko kahapon. Hindi ko na dapat pa kinuwestyon ang mga sinasabi mo—"

"Sshh, it's okay.. Wala na 'yon sakin"

"Ayaw ko lang na maiwan.. Ayoko lang na gigising ako at papasok sa school at hindi kita makikita. Ayokong makinig sa klase kung hindi kita katabi. Hindi ako sasaya kung wala ka" mahabang linyata ko habang mahigpit padin ang yakap sakanya. "Ayoko 'non, Dos. Ayoko. Ang gusto ko.. Gusto ko lagi kitang nakikita, napapasaya, naaasar, nahahawakan at nararamdaman.."

"I'm still here.. Sunshine"

"Iiwan mo padin ako?" nag angat ako ng tingin sakanya.

Natigilan sya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Don't you know why are we here? The exact reason?"

Kumunot ang noo ko. "H-Hin—" natigilan ako sa pagsasalita nang ma realize kung anong meron bukas. "The.. Moon?"

Dahan dahan syang tumango at mapait na ngumiti. "Apparently.. Yes"

"What do you mean by apparently?"

"The other reason is to have some time with you," aniya. "It is okay if we have bonfire tomorrow evening?"

Agad akong hindi sumang ayon. "No! Hindi pede, full moon Dos! Nahihibang ka na ba—"

"Nahihibang na kung nahihibang, pero 'yon ang gusto ko" matamis syang ngumiti matapos sabihin ang mga hindi kapani-paniwalang kataga na nalabas sa bibig nya. "I'm giving myself the benefit of the doubt"

"I am not giving you the same, Dos!"

"Damn it, baby. We have no choice, it's the lunar's choice"

Napabuntong hininga nalang ako at padabog na umupo. Narinig ko pa ang pagbuga nya sa hangin.

Umupo naman sya sa harap ko, binalik nya na din ang ngiti nya. Kinuha nya ang mangkok at nilagyan ako sa plato ko.

Naglagay din sya nang para sakanya.

Perfect Wish (Irrevocably Series #3) Where stories live. Discover now