A/N: Super hype ako magsulat dahil patapos na hahaha!
SHINE'S POV
"WE'RE HERE" anunsyo ni Dos nang makapasok kami sa isang bahay na nasa tapat ng dagat. Beach house sya, actually. Hindi ito yung last na pinuntahan namin, malayo 'to sa syudad.
Tahimik at..
Kami lang dalawa.
"Wow.. Kanino 'to?" tanong ko at binaba ang bag ko na may lamang gamit ko na nasa locker.
Hindi ako nagpaalam kayna mama at Ate Eli. Miski ang phone ko ay iniwan ko sa ilalim ng puno kanina, hindi iniwan ni Dos ang phone nya dahil mag po-post daw sya sa instagram, hayst.
Namulsa sya. "This is my grandparents rest house.. Hindi na masyado nagagamit, that's why I brought you here" hinawi nya ang kurtina sa mga salas at bumungad sakin ang sunset. Wow! "The view is great"
"So great" wala akong masabi.
Parang walang nangyari kanina lang, parang wala kaming napagusapan. Normal lang.
Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa bewang. "Did i mention that my grandfather owned this beach?"
"The whole beach?" nanlaki ang mata ko.
Ngumiti sya at tumango. "Yep, gusto kasi nya lagi masolo si grandma noong bata bata pa sila.." napailing sya. "They want to be alone by themselves, to share every milestone of their lives"
"Hindi ko ma imagine, ang cute siguro" natatawang ani ko.
"Look around"
As of that cue, napalinga ako sa paligid. Wooden beach house sya at matibay talaga. Pinaghalong brown at white ang pintura nang buong bahay. Walang second floor dahil lahat ay nandito na. Sa side ng beach ay glass wall ang gamit, sa side ng front ay plain wood, walang bintana, iisa lang ang kwarto at isang bathroom. May salas at kusina din. Air-conditioned din ang buong bahay. Walang TV, pero sigurado akong hindi ako mabo-bore.
"Walang TV?" tanong ko.
Umiling sya. "The purpose why they want to be alone is to have silence.. Ayaw nila ng ingay" ngumiti sya.
Napatango nalang ako.
"Anyways, i bought you clothes.. Nasa closet na, just change if you want. May mga swimming attire din, if you want to go swimming" biglang sabi nya.
Nanlaki agad ang mata ko. "Eh? Seryoso?!"
He nodded and smiled at me. "Yep, for you"
Napangisi nalang ako dahil sa ka-corny-han nya.
Hahaha!
Sa back door ay ang daan papunta sa beach. Sa front door ay ang parking at kalsada.
Lumabas ako sa back door at nagpaiwan naman si Dos na mag aayos daw muna nang gamit.
Nakapaa lang ako at hindi ininda ang init ng puting buhangin.
Napatanga naman ako sa ganda ng palubog na araw, may dalawang coconut tree din sa gilid ng bahay. May swing 'don at beach umbrella.. Natatakluban 'yon ng bubong ng bahay dahil siguro pag umulan.
Nagtitili ako at hindi ko napigilan na tanggalin ang blouse uniform ko at iniwan ang tanging sando lang.
Humiga ako sa swing habang dinadama ang hangin.
"Ate Eli.. Mama.. Sana nandito din kayo kasama ko" bulong ko sa hangin.
Padilim na, at wala nang araw.
YOU ARE READING
Perfect Wish (Irrevocably Series #3)
Genç KurguIRREVOCABLY SERIES #3 Marquis Kolten 'Dos' Faber Jr. Is.. Back! "How I wish our path didn't crossed" All rights reserved © 2020 Highest ranks #2 in Faber #3 in Sawi #5 in Dos