Hi, ako si Kendric. I am 26 years old. Ako ay isang mountain climber. Madami na akong naakyatan na bundok. Pero ang Mt. Mariveles ang aakyatin ko ngayon.
Nagsimula kami umakyat ng 7 am. Una, masaya kaming umakyat ng sabay-sabay. Pero, sa bandang huli, naligaw ako.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nakakita ako ng isang bahay. Maliit lang yung bahay katabi niya ay isang malaking puno na may kulay orange na dahon.
Pumasok ako sa loob. Iniwan kong nakabukas ang pinto, pero bigla itong sumara. May isang babae na naka white dress ang lumapit sa akin.
"Sino ka?!" sabi ng babae.
"Isa akong sa umakyat sa bundok. Hindi ako nandito para guluhin ka." sabi ko naman.Ang pangalan ng babae ay Verose. Hindi raw siya isang normal na babae. Isa raw siyang Diwata. Konnektado ang buhay niya sa bundok na to.
Ibig sabihin, kapag umiyak siya, uulan dito sa bundok. Basta, kung ano ang emosyon niya, eepekto dito sa bundok.
Tinanong ko sa kanya kung paano pabalik sa ibaba ng bundok pero hindi niya daw alam.
Ayoko pang umalis. Baka mamaya hindi ko na naman mahanap ang daan pabalik pero hahanap ko rin yun, balang araw...
Ilang araw ako nag stay sa bahay niya. Araw-araw akong nakakakita ng rainbow dito sa bundok. Siguro, masaya si Verose.
Sa ilang araw ko dito, nahulog ako sa isang diwata. I fell in love with her. Pero, hindi ko alam kung mamahalin niya din ako pabalik.
Napagisipan ko na aalis na ako dito dahil kapag tumagal tong nararamdaman ko. Baka mas lalo pang lumalala ang pagmamahal ko sa kanya.
Paalis na ako pero pinigilan ako ni Verose.
"Wag ka munang umalis."
"Wala akong kasama dito. Nag-iisa lang ako buong buhay ko." sabi ni Verose habang hinahawakan ang braso."Aalis ako pero pangako, babalik ako..."
EPILOGUE
-3 Years Later-
Tatlong taon na ang nakakalipas pero ngayon lang ako may balak na bumalik.
Nung araw na umalis ako, umulan ng sobrang lakas. Umiyak siya siguro.
Umakyat ulit ako sa Mt. Mariveles. Binalikan ko ang kubo pero pagtingin ko sa mismong lugar niya, wala talagang kubo doon.
Alam kong nandito talaga ang kubo pero wala. Nagtanong-tanong din ako sa mga 35 years na naninirahan sa bundok ngunit wala daw bahay kubo na nakatayo doon...
-6 months later-
Ilang beses na din akong pumupunta rito. Sa tuwing pumapasok ako dito, may bahaghari na sumasalubong sa akin. Ngunit kapag aalis na ako dito. Sobrang lakas ng ulan ang sasalubong naman sa akin pababa.
Kahit na di kita nakikita, nararamdaman ko ang pagyakap at pagmamahal mo sa akin...
-end.-
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ✓
Short StoryCompilation of all my romantic and tragic stories Always updating, Monday and Friday.