What if we've never met?

0 0 0
                                    

Your Dreams is important. Also your Passion is important and Love is important.

Ano ang pipiliin mo diyan i-prioritize?

[1 MONTH AGO]

Hi ako si Shin. I am a college student. Ang course ko ay Engineering. Kahit babae ako, i chose to do Engineering.

I have a boyfriend named Iue. Si Iue ay isang musikero. Ginive up niya ang pag-aaral niya para sa music and it is his passion.

3 years na kaming magkarelasyon at magka-live in kami.

One time, papauwi ako galing sa school dahil nag-exam kami, sobrang lakas ng ulan. Hinalungkat ko ang bag ko at wala akong makitang payong.

Kinuha ko ang phone ko at chinat si Iue.

'Babe, pwede mo ba akong sunduin?' text ko kay Iue. Maya-maya, naseen na niya at nag-chat na siya.

'Sorry Babe, may banda ako ngayon.' he chat me with that at iniwan niya akong luhaan. Passion niya yan. Hindi ko dapat sirain. I ended up crying while walking in the rain.

Several days later, andito siya ngayon sa bahay. Ang ganda pa ng gising ko dahil Anniversary na namin ngayon. Sana hindi niya nakalimutan.

Imbis na mag-aral ako, nagluto ako ng breakfast namin. Hinantay ko siyang lumabas sa kwarto niya.

Maya-maya, lumabas siya pero nagmamadali siya.

'Babe, Good Morning, kain ka muna.' sinabi ko pero bigla siyang nag-bihis.

'Saan ka pupunta?' tanong ko sa kanya.

'Sht! Late na ako sa contest namin. Shin, baka late na ako umuwi!' sabi niya sa akin.

'Iu---." hinalikan niya ako.

'Bye, aalis na ako.' at tuluyan niya akong iniwang mag-isa. Today is our 3rd Anniversary pero mukhang nakalimutan.

Passion niya yun kaya hahayaan ko na lang siya.

~*~

Nagabi na hindi pa din umuuwi si Iue. Hanggang sa nag-madaling araw at umaga na, hindi pa din siya umuuwi.

Mayroon akong exam ngayon kaya hindi ako dapat ma-late. Iyong exam na iyon ay ang mag-dedecide kung makakapasa ba ako bilang Engineer.

Hanggang sa tumunog ang phone ko. Si Iue.

["Hello, Shin!!"] bakit parang lasing si Iue.

"Iue, nasa---" pinutol niya ang sasabihin ko.

["Let's break up."] napatunganga nalang ako sa sinabi niya.

"W-What?" tanong ko ulit sa kanya.

["Let's break up, sawang sawa na ako sayo."] binaba niya ang telephono.

I think kaya kami nag-break because of his Passion.

Girls, wala tayong laban sa passion at dream ng isang babae.

Talo ako sa passion niya.

Talong-talo...

Paano kaya kung hindi kami nagkakilala?

Siguro hindi ako masasaktan.

Siguro hindi niya ako iiwan...

---end---

Kayo, kapag nasa relasyon kayo, Ano ang mas ipr-prioritize ninyo?

Dreams, Passion or Love? Why?

Please answer in the comment below...

One Shot Stories ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon