"You are my sunflower, that keeps on growing. Be my flower, then i will be your sun..."
Iyan ang mga katagang iniwan sa akin ni Zoro bago niya ako lisanin. Yan ang mga huling salita niya...
[5 MONTHS AGO]
Hi ako si Vincent. Isang Police pero ako ay isang bisexual. Dalawa ang gender ko at di ko alam kung ano ba ako. Lalaki ako pero may kalahati sa akin ang pagiging babae.
Nautusan kami ng chief namin na magbantay sa hospital. Dun muna kami mga 2 months lang.
Habang nakadestino ako sa hospital, na meet ko si Dr. Zoro. Isang doctor sa hospital na ito at siya rin ay isang bisexual.
Nagkasama kami at sabay kami kumakain. Hindi rin nagtagal, nahulog na kami sa isa't isa.
Pinakilala ko siya sa mga magulang ko at ansaya nila. Tanggap kasi ng magulang ko kung ano ako.
Si Dr. Zoro ay wala ng magulang. Yung nanay niya iniwan ng tatay niya pagkatapos nun namatay na rin ang nanay niya.
Hindi niya tiyak kung buhay pa ang tatay niya.
Palaging kong nilulutuan si Dr. Zoro ng pagkain, siya naman tamad, hindi niya ako pinagluluto kasi di naman siya marunong.
Minsan, kinuwento niya sa akin ang "The Little Mermaid", yung pangbata na libro. Di ko alam kung bakit niya kinuwento sa akin ang childrens book.
Hindi ko alam ang kuwento nun kaya nakinig na lang ako. Hindi niya sinabi ang ending ng storya.
Sinearch ko ang storya yun at namatay pala ang sirena. Anlungkot ng storya.
Kapag linggo naman, nireregaluhan niya ako palagi. Ngayon ang regalo niya sa akin ay isang sunflower.
May isang papel akong nakita at napansin kong sulat kamay niya iyon. Nahirapan pa ako kung paano basahin to kasi ang gulo ng sulat nitong doctor na to. Nakasulat doon ang mga katagang:
"You are my sunflower, that keeps on growing. Be my flower, then i will be your sun..."
Dahil doon sa sinulat niya labis akong kinilig. HAHA.
Lumipas ang ilang buwan, akala ko perpekto na ang relasyon namin. Akala ko, ok na ang lahat. Hanggang sa tumawag siya sa akin.
"Hello." Sagot ko sa tawag niya.
["Vincent."] Nagulat ako kasi umiiyak siya.
"A-anong nangyari sayo?!" Alalang tanong ko sa kanya.
["M-mamatay na a-ako..."] Natulala na lang ako at pakiramdam ko gumuho ang mundo ko.
Nabitawan ko ang cellphone ko at kumaripas ng takbo papunta sa hospital. Nasa Police station kasi ako nung tumawag siya.
Mayroon daw siyang Necrotizing faciitis, isa itong sakit na mas malala pa sa raw sa cancer. Ang sakit na ito ay kinakain ng mga bacteria ang laman loob hanggang sa mawalan ka na ng laman at tuluyan ka ng mamatay.
Mahirap daw gamutin ito dahil rare ang sakit na ito. Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil doon.
Hindi siya nakakahawa pero bawal ako lumapit sa kanya. Nakikita ko lang siya dahil sa isang salamin at nakakausap siya sa cellphone ko.
Bilang na lang ang mga araw niya sa mundo. Naiiyak ako.
Tatlong buwan na ang lumipas at malapit ng mamatay si Dr. Zoro. Within this week nalang ang buhay niya.
Tinawagan ko siya sa cellphone ko habang nakatingin sa kanya sa salamin.
Umiiyak ako nung kinakausap ko siya.
"Zoro." umiiyak na sabi ko sa pangalan niya.
["Shhhh... Wag kang umiyak. Di pa naman ako patay.] sabi ni Zoro.
Di na ako nakapagsalita at umiiyak pa rin ako.
["Di ko pa nga pala sinasabi sayo ang ending ng The Little Mermaid noh?"] nag nod lang ako kasi alam kong nakatingin siya sa akin.
["Nabuhay ang mermaid at ang prinsipe sa huli. Happily ever after!"] masaya niyang sinabi. Parang mali.
"Di ba mama---" bigla na lang siyang nagsalita dahilan ng pagkatigil ko.
["Walang namatay at walang mamatay."] Naiyak na lang ako. Hindi ko alam kung The Little Mermaid pa rin ang pinaguusapan namin o yung kalagayan niya.
"Oo. Walang namatay at walang mamatay." Tumingin ako sa kanya at nag smile. Nag smile din siya pabalik.
Isang buong araw ko siyang binabantayan. Hanggang sa tumawag ulit siya sa akin.
"Hello? Zoro? May kailangan ka ba? Tatawagan ko na ba ang mga doctor?" Nakatingin ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin.
["You are my sunflower."] napatigil na lang ako dahil sa sinabi. Nagulat ako at nakatingin pa rin sa kanya.
[That keeps on growing.] Bumagsak na lang ang luha ko at umiyak.
["B-be my flower"] sabi niya. Unti-unti kong nalalaman ang ibig sabihin nung quote.
["then i will be your sun..."] Ngumiti siya at naramdaman kong umiiyak din siya dahil sa nakikita ko at naririnig ko.
Bigla nalang tumunog ang monitor na nasa gilit niya... Nagfa-flat yung line.
Nanlaki ang mata ko. Kahit ganun nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti.
"DOOCC!!" sigaw ko sa mga doctor at bigla rin silang pumasok.
Napahawak ako sa salamin. Nakatingin lang siya sa akin at patuloy pa rin niyang pinipilit ang ngiti niya.
Napalunok na lang ako hanggang sa... narinig ko mula sa cellphone na hawak ko ang huling hininga niya.
"Yes, i will keep on growing, my sun..."
EPILOGUE
[40 DAYS LATER]Nakaupo ako ngayon katabi ang libingan ni Zoro.
Nakakaiyak. Lahat na ng emosyon na pwedeng sumapi sa akin ay nailabas ko na.
"You are my sunflower, that keeps on growing. Be my flower, then i will be your sun..."
Iyan ang mga katagang iniwan sa akin ni Zoro bago niya ako lisanin. Yan ang mga huling salita niya.
Yun din ang nakasulat sa lapida niya."Walang namatay at walang mamatay." sinabi ko yun habang hinahawakan ko ang lapida niya.
Oo, walang namatay at walang mamatay, dahil sa puso ko... buhay ka. Buhay na buhay.
-----end------
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ✓
Historia CortaCompilation of all my romantic and tragic stories Always updating, Monday and Friday.