["Twinkle, twinkle little star.
How i wonder what you are?
Up above the world so high.
Like a diamond in the sky.
Twinkle, twinkle little star.
How i wonder what you..are?"]She is the most memorable person to me...but then she doesn't remember me.
[10 YEARS AGO; 2010]
Hi ako si Fiorello. I am a Grade 8 student. 12 years old na ako. Maaga kasi ako nagsimulang mag-aral. Kaya ako ang pinakabata sa section namin.
Ang mga kaklase ko 14 years old, samantalang ako 12 years old.
Kahit na bata pa ako, may pagkamature na rin ako magisip pero may childish pa rin na natitira sa akin.
Lumipat ako ng school pati na rin ng titirahan. Lumipat kami sa isang apartment kasama ang pamilya ko.
Ang maganda lang dito sa building na ito ay meron silang rooftop. Pwede ako doon mag-aral.
Pagkapasok ko sa school namin, walang kumakaibigan sa akin...except kay Zylith.
Si Zylith lang ang naging kaibigan ko ngayong Grade 8 ako. She is a ballet. Siya ang pinakamagaling mag-ballet sa buong lungsod.
Nalaman ko rin na magkapit bahay lang pala kami. Magkatabi lang ang apartment namin.
Tuwing weekend, nag-aaral kami sa rooftop. Sabay pa kaming nag-lulunch doon.
Habang papauwi ako galing sa school, hindi ko nakakasabay si Zylith. May ballet lessons kasi siya.
Naglalakad ako ng may makita ako na bracelet na may paru-paro. Maganda ang bracelet na iyon. Kulay blue ang pak-pak nila at yung isa naman kulay red.
Bumili ako nun at isinuot namin iyon ni Zylith. Nakita kong tuwang-tuwa siya. Pag natutuwa siya, nagiging masaya na ako.
Andito kami ngayon sa rooftop ng may sinabi siya sa akin.
"Uhmm, Fiorello." tawag niya sa akin.
"Oh?" sagot ko sa kanya.
"Pwede mag-suggest ka ng kanta na pwede kong i ballet. Lalaban kasi ako sa contest at ang price nun ay pupunta ako sa Italy para mag-aral!" Buong galak niyang sinabi.
"Wait, magiisip ako." Ilang minuto ang lumipas ng may maisip akong kanta.
"Alam ko na!"
"Ano yun, Fiorello?" tanong niya sa akin.
I clear my throat and sung.
"Twinkle, twinkle little st---" di ko na natuloy dahil tumawa siya ng malakas.
"P-panget ba?" tanong ko. Medyo nakakahiya na.
"Hindi, maganda. Thank you sa advice. Pwedeng 'from the top'?" Nawala ang kahihiyan ko at kinanta ko ang song na napili ko.
"Twinkle, twinkle little star.
How i wonder what you are?
Up above the world so high.
Like a diamond in the sky.
Twinkle, twinkle little star.
How i wonder what you..are?"Dahil doon sa sinuggest ko, naging matagumpay si Zylith.
Magkahalong saya at lungkot ang bumalot sa akin.
Masaya, kasi nanalo siya. Malungkot, kasi pupunta na siya ng Italy para doon na mag-aral.
Mawawalan na naman ako ng kaibigan...
Lumipas ang ilang mga araw at nakikita ko na nag-iimpake na ang pamilya ni Zylith.
Nakipag-kita siya sa akin sa rooftop. Di ko namalayan habang kaharap ko siya, umiiyak na pala ako.
"Shhhh... wag ka umiyak!"
"E-eh kasi, mawawalan na naman ako ng kaibigan.." sabi ko sa kanya.
"Keep on living, Fiorello. Gusto ko abutin mo ang pangarap mo... teka, ang pangarap ko maging ballet... eh ano naman pangarap mo?" nag-isip akong mabuti pero iisa lang ang pumasok sa isip ko.
"Gusto ko maging...news anchor... at isa ako sa mag-rereport sa news kung gaano ka kagaling mag ballet...Zylith."
Lumipas ang ilang mga araw, at ngayon na aalis si Zylith.
Nagmadali akong umuwi galing sa school at pagkadating ko sa apartment namin, nakita ko ang pamilya ni Zylith na sumasakay sa taxi.
Mabilis akong nakatakbo papalapit doon at napansin ako ni Zylith at tumingin siya sa akin.
Bago pa siya makasakay sa taxi, nginitian niya ako at tuluyan na siyang pumasok sa taxi at umalis na ito.
Habang umaalis siya, napansin kong basa ang mga pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
I promise Zylith, i will never forget you...
EPILOGUE
[PRESENT; 2020]["Good news po! Nakabalik na po sa Pilipinas ang babaeng nag-taas ng ballet industry sa Pinas. Siya ay si Zylith Ventacio. Siya ang pinakamagaling na ballet sa buong Pilipinas at siya rin ang lumaban para sa ating bansa!"]
Naging news anchor ako pero hindi ko pa naibabalita sa tv ang kagalingan ni Zylith.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakalimutan.
Ang ganda niya ngayon. Mas lalo pa siyang gumanda.
Nakahanda na ako at aalis na ako ng bahay ko para pumasok sa News Station na kung saan ako nagtratrabaho.
Papasok na ako ng building ng may dumaan na babae sa exit. Nagkatitigan kami at ang una kong nakita ay ang kanyang bracelet sa kamay na paru-paro.
Napahinto ako at tumingin sa likod ko. Glass kasi ang wall namin. Nakita ko siya na tumigil din at nakatingin din sa akin.
Lumabas ako para lapitan siya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Z-zylith?" sabi ko. Hindi pa rin siya nag-sasalita.
"A-ako to si Fiorello? Y-yung naging kaibigan mo noong Grade 8." Hindi pa rin siya nag-sasalita.
"Huh? Sorry po, Hindi ko po kayo kilala." tuluyan na siyang tumalikod at umalis.
Naiwan akong nakatitig sa kanya habang paalis siya.
Masakit. Masakit para sa akin na hindi niya ako maalala.
May biglang tumugtog na tunog sa isip ko...
["Twinkle, twinkle little star.
How i wonder what you are?
Up above the world so high.
Like a diamond in the sky.
Twinkle, twinkle little star.
How i wonder what you..are?"]Umagos ang luha ko. Hindi ko alam na hindi na niya pala ako nakikilala
She is the most memorable person to me...but then she doesn't remember me...
But still, she will remain as the Zylith that i knew...
---end---
BINABASA MO ANG
One Shot Stories ✓
Short StoryCompilation of all my romantic and tragic stories Always updating, Monday and Friday.