August 15, 2020. 7:30 am. Garden of St.Augustine Hospital.
A.A's POV
It's a nice day to start off.
A fine weather.
Sun is aesthetically smiling that radiates a ray of positivity for the innocent flowers to bloom.
Birds cheerfully chirping and it sounds like a melodic song that lullabies me peacefully.
Warm air continue to touch my face.
A little shivery splashes of water coming from a small water fountain where I am sitting right now.
But all the bright and comforting things I am currently seeing can't easily erase the anxieties inside my head.
Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako at malalim ang iniisip.
Hindi lang ako makapaniwala na ang daming bagay ang nangyari makalipas ang ilang araw.
Ang pagtatangka kong patayin ang aking sarili.
At ang mga bagay na hindi ko naman inaasahan,
Nagmistulang eksena sa pelikula ang nangyari kahapon sa party,
Lahat ay binalot ng takot dahil sa mga putok ng baril.
Lahat ay binalot ng pangamba dahil sa food poisoning.
At si Mr. Eavan, ang pagtataka ko kung bakit siya lang ang nag-iisang taong nabaril sa party.
*Flashback*
August 14, 2020.
10 a.m. St. Augustine Hospital.(Continuation of Sanny and A.A conversation upon seeing the news in her room)
A.A's POV
"Barilan at Food Poisoning?" tanong ko sa aking sarili.
Laking gulat ko ng marining at makita ang news sa T.V.
Totoo bang nangyari iyon?
Hindi pa rin ako tuluyang makapaniwala.
Bakit tila nagsabay-sabay ito sa iisang araw at sa iisang lugar.
"A, Are you okay?" Rinig kong tanong ni Sanya sa akin.
Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako sa T.V.
Hindi ko alam ang aking sasabihin, ni 'di ko rin alam kung anong magiging reaksiyon ko rito.
"A, Hindi mo ba naalala lahat? Nagkaroon ng barilan kagabi sa party niyo. Pagkatapos, biglang sumakit ang tiyan ng bawat isa, at sabi ng mga doktor dahil sa food poisoning ito."
Bakas parin sa aking mukha ang pagkagulat.
Hindi ko alam ang aking gagawin.
"Pero, lahat ay nasa ayos at ligtas ng kalagayan ngayon, except sa boss niyo, na nagpapagaling parin dahil sa natamo niyang bala sa kaniyang kaliwang balikat." Dagdag ni Sanya.
BINABASA MO ANG
Painted To Love You
Ficción General"There are hidden beautiful mysteries and magic beneath an everlasting love." This isn't a typical story of a lady named A.A, a dedicated painter who is in the middle of making a rare masterpiece to see the worth of waiting, falling, loving, failin...