August 20, 2020. 7:00pm. Eavan Residence, Manila City.
Spence's POV
It's been two days since all unexpected things happens.
At sa dalawang araw na lumipas naging mayapa at tahimik ang lahat.
Baka may mga dahilan lang kung bakit nangyari ang mga bagay na iyon, baka natutok kami masyado sa trabaho at hindi na napansin ang mga bagay na mas mahahalaga sa amin.
I think 3 days is enough para bumalik lahat sa dati.
Makapagpahinga at maging ayos ang lahat.
Wala akong ibang magawa kundi magising, kumain, makinig ng music, matulog dito sa bahay.
Bored pero masarap sa pakiramdam na wala kang ibang bagay na iniisip.
Wala kang bagay na prinoproblema.
Sinusulit ko na rin ang mga araw na ito dahil bakbakan na sa trabaho sa mga susunod na araw.
Maayos naman na aking pakiramdam ngayon pero hinihilom parin ang aking sugat.
At ngayon nililinisan ito ni Nanay Oly.
"Ah!.....Joke!" Biro ko sa kaniya.
She was done applying the healing gel, and now she is putting the gauze for dressing.
"Anak, Dapat kasi nag-iingat ka, Alam mo na ang panahon natin ngayon, Hindi mo na alam kung sino ang tunay na masama at mabuti!" Pangangaral sa akin ni Nanay Oly.
Si Nanay Oly ang aming katulong dito sa bahay.
Since I was ten, she was here to help me in everything I need.
Sa pagpunta tuwing may mga parent meetings sa school at pagsama sa akin bilang nanay tuwing may school activities.
Siya ang naghahanda ng aking pagkain, breakfast to midnight snack.
Siya ang nag-aayos lahat ng aking magulong gamit dito sa bahay.
Pinaglalaba at pinagplaplantsa ng mga damit.
Siya ang nagaalaga sa akin tuwing may sakit ako.
At andiyan lagi siya kung ako'y nalulungkot.
She treat me like her own child.
She protected me, cared for me and loved me with all her heart.
Kaya sa 15 years niyang nakatira dito sa bahay, tinuring ko na siyang nanay.
Hindi ko man siya kadugo, pero naramdaman ko sa kaniya kung paano magmahal ang isang ina.
Hindi na nga namin siya tinuturing na katulong dito, ramdam na kasi naming bahagi na siya ng pamilya.
Pumayag naman siya na tawagin ko siyang Nanay Oly.
In exchange, tinatawag niya na rin akong anak.
"Opo, Nay, mag-iingat na!" Sagot ko pagtapos niyang linisin ang aking sugat.
"Nakakatakot pala ang nangyari sa inyo, gulong-gulo daw ang lahat sa loob ng hotel ng gabing iyon, at ikaw lang daw ang nag-iisang nabaril?" Tanong sa akin ni Nanay Oly.
BINABASA MO ANG
Painted To Love You
Genel Kurgu"There are hidden beautiful mysteries and magic beneath an everlasting love." This isn't a typical story of a lady named A.A, a dedicated painter who is in the middle of making a rare masterpiece to see the worth of waiting, falling, loving, failin...