(August 25, 2020)
(6:00 am. Mabuhay Residence)
A.A's POV
Gumising ako dahil sa amoy na nangagaling sa kusina.
Tila kusa nitong dinadala ang aking buong katawan.
May masarap na naman sigurong niluluto si Lola D.
Sinundan ko ang amoy habang nakapikit ang aking mga mata papunta saan ito galing.
Amoy pa lang ang sarap na.
Dahan-dahan akong lumakad.
Nararamdaman kong sobrang lapit ko na sa niluluto nila Lola D.
"Lola D, Good morning. For sure ang sarap na naman niyang niluluto mo!" Niyakap ko siya ng mahigpit patalikod ng makarating ako.
"Gaano ka sarap?" Tanong nito.
"Sobra, super and ultramega!" Sagot ko naman.
"Talaga ba?" Sumagot siya pero napansin ko na parang lalaki ang kausap ko ngayon.
Mabagal kong dinilat ang aking mga mata.
"Jusko!" Napabitaw ako sa pagkakayakap ng makitang hindi si Lola D. iyon kundi ang baliw na lalaki na ito.
Tumingin ako sa aking kaliwa at nakita kong tila tutulo na ang laway nila Lola D at Sanya sa pagtitig habang nagluluto ito.
Talagang mangha-mangha naman sila.
"Bakit ikaw ang nagluluto!" Nagagalit kong tanong.
"Good morning, huwag mong inisin ang umaga mo, tikman mo nalang itong fresh tasty eggs ko!" Pabiro na naman niyang sabi habang kinikindat ang mata niya.
"Tama, huwag mo siyang guluhin diyan." Parang zombie na sabi ni Sanya.
At nag-thumbs up naman si Lola D.
Umupo ako sa tabi nila at malakas na pumalakpak ng tatlong beses.
"Tama na iyan! Hindi iyan, lechon para paglawayan!" Asar ko.
(Bumalik na sa wisyo sila Lola D. at Sanya)
"Kasi naman masarap pa sa ulam iyong nagluluto." Naglalaway na sabi ni Sanya.
Tinignan ko ang lalaki.
Nakasuot siya ng apron pero wala siyang damit pang-itaas.
His body built was very masculine.
Macho?
Hindi ako magsisinungaling, Oo.
Nakikita kong 6 pack abs ang nasa likod ng apron na suot niya.
"Tignan mo napatulala ka na rin!" Asar sa akin pabalik ni Sanya.
"So, babae ka na ulit!?" Konyat ko sa kaniya.
"Ay, pangit pala. Takpan mo nga iyang katawan mo!"
Kunwaring tinatakpan pa ni Sanya ang mga mata niya.
Hanggang sa masayang lumapit sa amin ang lalaki.
"Here's your veggie omelet, Lola D."
BINABASA MO ANG
Painted To Love You
General Fiction"There are hidden beautiful mysteries and magic beneath an everlasting love." This isn't a typical story of a lady named A.A, a dedicated painter who is in the middle of making a rare masterpiece to see the worth of waiting, falling, loving, failin...