August 24, 2020. 10:30 pm. Mabuhay Residence
A.A's POV
Mapayapa akong naglakakad pauwi ng bahay.
Ang bigat pa rin ng ulo ko hanggang ngayon dahil sa kakaisip sa misteryosong lalaki na iyon.
Lalaking lumalabas sa painting?
Imposible.
Baliw na talaga ako kung maniniwala ako doon.
Palabas niya lang iyon para hindi siya masabing kriminal talaga.
Nasa tapat na ako ng bahay ngayon at tila kitang-kita ko pang buhay na buhay ang ilaw sa loob.
"Are they doing something?" Bulong ko.
I knocked three times in the door.
"Welcome home!" Masayang hiyaw ng isang lalaki sa harapan ko.
"Ikaw na naman!" Malakas kong sigaw ng makita ko ulit ang lalaking galing daw siya sa painting.
"Tabi!" Tinulak ko siya at pumasok sa loob.
Nakita ko na masayang kumakain ng pansit sila Lola D. At Sanya sa sala.
"Oh, A.A, Andiyan kana pala!" Masayang pambungad ni Sanya pagkakita sa akin.
Kinawayan din ako ni Lola D paglingon niya.
"Anong nangyayari? Bakit andito pa ito?" Nagtataka kong tanong sabay turo sa lalaki.
(They wil have a conversation in sign language.)
[Tikman mo iyong pansit niya, ang sarap!] Sagot ni Lola D.
[Kunan kita ng makakainan mo.] Dugtong ni Sanya pero pinigilan ko siya sa pagkuha.
[Sandali nga, Bakit hindi niyo pa pinapaalis iyang lalaking iyan dito sa bahay!?] Nagagalit ko ng tanong.
[Ito ata ang pinakamasarap na pansit na natikman ko.] Pabirong sagot ulit ni Lola D.
[I second the motion, Daming sahog!] Singit ni Sanya.
Tinitigan ko ng matalim ang lalaki na ngayon ay nasa tapat ng pinto.
[Wala akong pake kung masarap at masahog iyang bwiset na pansit na iyan! Alam niyo ba kung sino iyang baliw na lalaki na 'yan?!]
Tumuro sila sa aking likod.
Nilingon ko ito at nakita kong nakasabit na ang painting sa ding-ding.
Sasabog na talaga ako sa inis.
[Naniwala ba talaga kayo sa baliw na lalaking iyan?]
[Ayaw mo ba nitong pansit, ano ba gusto mo?] Tanong ni Lola D habang si Sanya ay masarap pa ring kumakain ng pansit.
[Lola D, Baka magustuhan niya rin ang hotdog ko, gusto mo ba?] Singit na tanong ng baliw na lalaking ito.
[Manahimik ka! Hindi mo ba talaga ako titigilan! Stop fooling our heads!]
[Lola D at Sanya, Lahat ng tao magaling lang sa una, pakitang gilas. Pero sa huli, lahat ng pinapakita niyan ngayon, lahat iyan kukupas. Kinukuha lang niyan ang loob niyo, tapos pagnakita niya ng ayos na ang lahat, doon niya na gagawin ang masamang plano niya!]
BINABASA MO ANG
Painted To Love You
Genel Kurgu"There are hidden beautiful mysteries and magic beneath an everlasting love." This isn't a typical story of a lady named A.A, a dedicated painter who is in the middle of making a rare masterpiece to see the worth of waiting, falling, loving, failin...