Stroke 15- friends.

7 0 0
                                    

August 24, 2020. 5:00 am. Mabuhay Residence.

A.A's POV

Sumapit na ang umaga pero hindi man lang nakuhang pumikit ng aking mata.

Hindi ako nakatulog.

At dahil iyan sa lalaking ito.

Pinanood ko lang siya ng buong gabi na matulog sa aking kama.

Tinitigan ko lang siya habang nakaupo dito sa maliit na sofa sa gilid ng aking kwarto.

Kung wala talaga akong utang na loob sa kaniya, siguro sinipa ko na ito palabas.

Wala na akong magagawa.

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nakita ko kagabi.

Galing ba talaga siya sa painting na iyon?

Tila binubuhol ng masikip iyong utak ko ng sobra.

*Alarm clock will ring*

Nakita kong paunti-unting bumabangon ang lalaki sa kaniyang kinahihigaan at mag-uunat ng kaniyang mga braso.

"Good morning, Jesus!" Masayang unat nito.

Agad siyang tumingin sa akin.

"Hindi ka natulog?" Pambungad na tanong nito.

"Halata ba?" Inaantok kong sabi.

"Okay, may breakfast na tayo?"

Ang kapal ng mukha pati breakfast hihingiin.

"Parang sobrang lapit mo naman sa pamilya ko para magtanong ka kung may almusal!"

"Ahm.... We are 4 meters far with each other, malapit kahit papaano." Pilosopo niyang balik.

Kailangan ko na atang magpatingin sa doktor.

Nababaliw na ako!

"You don't need to get a doctor, ayos ka naman. Kailangan mo lang ng tulog." Singit nito.

Pati iniisip ko pinasok niya na.

Bakit ko pa kasi pinayagan ang taong ito matulog sa kwarto ko, bakit!!!?

"Kailangan ko ng maglinis ng katawan!" Tumayo siya at binabalak ng pumunta sa C.R.

Ngunit hinarangan ko siya.

"Sandali nga, alam kong may kasabihan tayong feel at home, pero wala akong sinabing welcome ka sa bahay namin!"

I widely spread my arms to block his way to the comfort room.

"Padaan!" Sinusubukan niyang alisin ang katawan ko.

Tila nagpapatintero kami sa loob ng kwarto ko.

"Wala ba kayong bahay para doon ka kumain at maligo!"

Painted To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon