Stroke 14- Please, Stop this!

2 1 0
                                    

A.A's POV

Kahit na masakit ang aking mata.

Sumama ako para habulin ang taong hinihinala naming salarin.

Tunay na may kinalaman siya sa pagbasag sa salamin ng sasakyan ni Director.

Hingal na hingal na kami kakatakbo dahil sobrang bilis niya.

Humiwalay ako sa direksiyon nila Director at ni Detective Lim upang mas mapabilis ang paghuli sa kaniya.

Kung saan-saan na kami lumulusot dahil sa liksi niya.

Huminto ako ng saglit dahil sa pagod.

My energy starting to run down.

Hindi ko namalayan na sa madilim na kalye ako napahinto.

At isang lamp post lang ang nagbibigay ilaw sa lugar.

"Hays!" Bulong ko habang hinihingal, nakayuko at nakahawak sa aking tuhod.

Isang malakas na sipa mula sa aking likod ang hindi ko inaasahan na nagpatumba sa akin sa lapag.

"Ah!" Isang malakas din na inda ko dahil sa sakit.

Nakita ko ang lalaking kanina pa namin hinahabol.

"Are you out of your mind?" Nakakatakot na sabi nito sa akin.

His voice is big and deep.

Nakikita kong lumalapit siya sa akin.

Dahan-dahan din akong umaatras.

"Do you really know what you are doing?" May paunti-unti siyang nilabas sa kaniyang bulsa.

Baril.

Bumilog ang aking mata ng itapat niya sa akin ang baril na hawak niya.

"Don't ever lend your hands to someone who's putting you in pain. Don't ever!" Nanggigil na sabi nito.

Hindi ako makapagsalita dahil sa kaba at takot.

"Not all people tightly hugging you, are people with humane, some of them are jackass phony!"

"So, maybe, this is the time to end all things. To pay your debts and to sell your regretful souls!"

His voice turns more scarier this time.

Nakita kong paunti-unti niya ng tinutulak ang gatilyo gamit ang kaniyang mga daliri.

Kasabay nito ang pagpikit din ng aking mata.

"Rest with peace." Bulong nito.

(The mysterious man pulls the trigger.)

Narinig ko ang pagputok ng bala.

Pero bakit hindi ko naramdaman na natamaan ako?

I open my eyes slowly.

Nakita ko na may lalaki na sa aking harapan at siya ang natamaan ng bala, hindi ako.

"Check all the streets!" Naririnig ko ang boses ni Detective Lim na palapit na kung nasaan kami ngayon.

Dahil sa aming narinig, hindi rin nagdalawang isip ang lalaking may hawak ng baril na tumakbo na.

Gusto ko man siyang habulin pa ngunit nakita ko na tumba na ang katawan ng lalaking hinarang ang kaniyang katawan para iligtas ako.

Mas mabilis ko siyang pinuntahan para tulungan.

Painted To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon