Stroke 10- She is A.A!

10 0 0
                                    

August 21, 2020. 10:30 pm. Mabuhay Residence.

Sanya's POV

We are preparing for our late birthday celebration of A.A.

Gusto lang namin magkaroon ng maliit na salu-salo dito sa bahay.

Kahit late atleast mabibigyan namin siya kahit papaano.

Natagalan din itong plano dahil sa mga nangyari noong nakaraang araw gusto kasi ni Lola D. bago kami magsaya ay maayos na ang kalagayan ni A.A.

Kaya ngayong ayos na siya, ngayon na namin siya sosorpresahin.

Nagkunwari kaming tulog para hindi niya mahalatang may plano kami.

Naramdaman ko na nasa loob na siya ng kaniyang kwarto.

Nagsimula na akong tumayo at tignan si Lola.

[Lola D, Tara na!] *In sign language*

Niyaya ko siya at kinuha na namin ang cake na aming hinanda.

Gumawa kami ng tunog mula sa labas ng kwarto ni A.A para mapansin niya kami.

Pero hindi pa rin siya lumalabas.

Gumawa kami ng magkakasunod pang-ingay para mapansin niya na kami ng tuluyan.

Ngunit parang hindi niya ito talaga naririnig.

Ilang minuto ring kaming tahimik na naghihintay dito.

[Baka tulog na siya, Lola D.] sabi ko kay Lola. *In Sign Language*

Nagulat kami ng bigla siyang sumigaw sa loob.

Bubuksan na dapat ni Lola D ang pinto, ngunit nauna si A.A na magbukas nito.

"Happy Birthday A.A!" Masayang sigaw ko paglabas niya.

Pero mukhang kami pa ang nagulat,

Bakit punong-puno ng asul na pintura ang kaniyang mukha?

May hawak pa siyang base sa kaniyang kamay.

"Oh, Wow! Avatar in real life?" Nagtataka kong sabi sa kaniyang harapan.

Anong nangyayari?

Mabilis siyang nagtago sa aming likuran.

She's acting weird.

"May lalaki doon!" Naginginig pa ang kaniya mga bibig habang sinasabi ito.

Nagtitigan lang kami ni Lola D.

Pinasok namin ang kaniyang kwarto at dahan-dahang pumunta sa lugar na kung saang mau nakita siyang lalaki.

Binitawan ni A.A ang vase na hawak niya at pinatong ito sa shelf na malapit sa amin.

Nagsimulang magtakip ng mukha si A.A habang tinuturo kung nasaan ito.

Pero wala kaming nakita.

"A.A, kulang kalang sa kain. Wala naman dito iyong ka-avatar mo!?' pabirong sabi ko.

Paunti-unti niyang binuksan ang kaniyang mga palad sa pagkakatakip ng kaniyang mukha.

"Totoo, Promise. Hindi ako nagloloko!" Halatang takot pa rin siya hanggang ngayon.

Painted To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon