Chapter 1

724 11 1
                                    


"Doc, pumunta po dito yung secretary ni Mr. Tio and pinapasabi daw po na may appointment daw ho kayo sa kanya ng 5 PM sharp," Ali said. She's one of the nurse who always assist me in my table. Kaya minsan sa kanya na rin sinasabi yung mga notice sakin mula sa taas.

Ugh. It's really a bad idea to work for their hospital. I mean, hindi ko talaga gusto na mag trabaho dito pero wala akong choice! Lahat ng inapplyan ko, decline. Ito lang talaga yung tumawag sakin. Ayokong maging jobless!

In fact, suntok sa buwan ang pag a-apply ko dito dahil baka hindi naman talaga ako matanggap lalo na nung nalaman ko na siya ang nag ma-manage ng hospital na 'to.

"Agad? Hindi manlang siya nag pasabi ahead of time? Does he know kung anong oras na? 4:30! My god, wala manlang professionalism," reklamo ko habang tinatanggal ang coat ko. Syempre, ano pa bang ieexpect mo? Eh anak yan ng may-ari. So kung anong gusto, yun ang masusunod.

Kaka simula ko palang nung nakaraang linggo as Nutritionist dito sa kanila. And I haven't seen him since our college graduation pa. So basically, this is our first time na mag kikita ulit.

Naka move on naman na ako sa past namin. Totally! Kinalimutan ko na siya habang nasa med school ako. I never dated a guy para maka focus lang ako sa sarili ko. Self love muna. I think doon kasi nag kulang eh.

Kaya siguro hindi ako nagawang ipaglaban.

Chineck ko muna yung iba kong patients bago ako pumunta doon sa tinext niyang lugar, ngayon ngayon lang. Hmmmp. Kung may ibang hospital lang talaga mg pwedeng tumanggap sakin? Mag re-resign na ako, immediately!

Ang kaso lang, wala eh.

Naka para na ako ng taxi at kasalukuyang bumabyahe papunta sa lugar kung saan kami mag uusap. Bakit ba kasi hindi nalang siya ang mag punta sa hospital diba? I mean, doon may proper way of discussing everything. Mamaya kung anong hanash lang 'to.

Nag bayad muna ako bago bumaba. Hay. Ito na, handa na ba talaga ako?

I mean, 4 years na ang nakalipas and siguro naman hindi na masakit?

Pagka pasok ko ay inilibot ko ang aking mga mata. Nag babaka sakaling makita siya. I saw a guy raised his hands. Nung tinignan kong mabuti ay siya na nga yun.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

My ghad, para akong nasa first interview.

"Uhm, Good evening Ms. Dela Cruz," pag bati niya. He offered shake hands and I accepted it.

"Sorry, but it's Dr. Dela Cruz," pag tatama ko sa kanya. He playfully smiled at me. Yan, yang mga ngiti na yan? Diyan ako nahulog noon. And sisiguraduhin ko na hindi na yun mauulit.

Naging tanga na, huwag nang umulit pa.

Looking at him, he gained some weight and muscles. Pansin ko rin na hindi na siya nag aahit ng balbas which makes him more matured. Not so, kasi we're in 20's pa naman so wag niyo muna kaming pantandain.

"I'm sorry, my bad," he said. Hindi na ako sumagot, I just composed my self. "The reason why I asked you to come here is because I want you to be the Medical Nutritionist of Ateneo MBT. They've asked me for some help and why not, right?" He added.

Tumango tango lang ako sa kanya.

Makikita ko na naman yung mga mokong na yun? Before we graduated in Ateneo, I was able to meet some of their rookies pa and I think right now, they're playing for their 5th and final year.

4 years ako sa med school so I think tama naman yung calculation ko.

"So, what do you think?" He asked. Tumango lang ako sa kanya. "I don't see anything wrong with that, Sir. And I can do that," I said. Confident pa ako. Ewan ko nalang mamaya.

"No, we can do this," he said. "Then, it's all set! I will take care of the process and my secretary will inform you once it's all done," he added.

Wait, teka muna.

"Uhm, Sir? Would you mind if I ask?" Tanong ko. Tumango lang siya sakin. "You mentioned we, right? I mean, what do you mean by that?" I asked.

He smiled at me.

"We because, I will be supervising you."

Make You Mine Where stories live. Discover now