"What? Are you going to make me suffer? Gagawin mo ang lahat 'yun, para lang ano? Para gumapang ako pabalik sa'yo? Ganoon ba yung gusto mo?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Naiinis ako, nagagalit ako. Bakit naman kasi ganito? Bakit parang ang hirap-hirap?
He didn't answer me, but his eyes were still remained its sight on me. Ngunit umiwas ako ng tingin.
"Alam... alam ko naman na kayang-kaya mong gawin 'yan e. Bakit? Dahil simple lang... kasi mayaman ka. Mayaman ka kaya tingin mo kaya mo nang paglaruan yung mga bagay-bagay, at kasama na doon yung nararamdaman ko," naiiyak kong ani sa kanya. But still, I didn't get any response coming from him. He was just... looking at me.
"Ganun lang naman lagi yung issue natin e. About you, being so rich while me having nothing other than myself. It's always been like this. And you know what... I want you to know that I'm tired of it. I'm tired of being with someone who doesn't fit with me at all. Kaya nga nagawa kong lumayo sa mga kapatid ko noon e, because I thought were different from each other."
"Alam mo ba... ilang beses akong hindi natanggap sa mga hospital na inapplyan ko bago ako nag punta sa inyo. And that's the worst feeling I've ever felt. It even made me think that whatever I do, I will be never enough. Na, kahit anong subok at pag susumikap ang gawin ko, hindi pa rin ako magiging sapat. Bakit? Kasi hindi ako mayaman... katulad niyo. I don't have the money and the name for that," I said.
Pagod na ako pero hindi ako sumuko.
Pero hanggang kailan naman ako makakatagal? Hanggang saan ang kaya ko?
We are just looking at each other right now. And I was able to see how much pain we brought to each others soul.
"And your hospital was the least choice that I could get. To be honest, ayoko talagang pumasok doon. Dahil alam ko na baka mangyari 'to. Na baka, kainin na naman tayo ng mga pangyayari mula sa nakaraan. Kasi ako? Alam ko sa sarili ko na nandoon pa rin ako e, na hindi ako makaalis sa mga panahon na kung saan iniwan mo akong mag isa. Ang sakit lang kasi isipin na ganito yung nangyari sa'tin. Pero ito na nga... hindi ako nagkamali. Tignan mo kung ano ang nangyayari sa atin ngayon. Para na naman tayong bumabalik sa nakaraan at... nakakapagod na," mahina kong ani. I really want to end this. I've had enough, hindi pa ba sapat 'yun?
Mahal ko siya, oo... pero hindi pwedeng mahal ko lang siya e. Sa tuwing mag kasama kami, oo masaya. Sobrang saya. Ngunit kasunod naman noon ang sakit na katumbas ng sayang naramdaman ko.
Kaya kailangan mong pumili.
"Ikaw ba? Hindi ka pa ba napapagod?" tanong ko.
Unti-unti niyang ginalaw ang ulo niya. Isang luha ang bumagsak mula sa kanyang mga mata. Mga luhang kayang sumaksak sa iang pusong nag mamahal.
"Pagod na..."
"Then stop... chasing me."
And after I said those words, he finally looked at me.
"Stop it and move on. You don't have to worry about me because I will do the same."
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin 'yun sa kanya. Sa totoo lang, ayokong gawin 'yon. Gusto ko na mahalin siya, gusto ko na ipakilala siya anak ko. Gusto ko na mabuo yung pamilya namin para hindi mahirapan si Cleo habang lumalaki siya. Gusto ko na magkaroon siya ng ama.
Ang dami kong gusto. Pero alam ko rin na bandang huli, hindi pwede.
Hindi kami pwede.
"Bakit ba..." mahina niyang ani. Agad akong napatingin sa kanya. "Bakit ba gustong-gusto mo ako na umalis sa buhay mo?"
Hindi ko gusto... pero kailangan at 'yun ang dapat.
Nananatili lang akong tahimik. Hindi ako makasagot sa kanya. My body is now telling me what I have to do.
Huminga siya ng malalim at mas lalong pinagigting ang pag titig sa akin. "Oo, alam ko. Alam ko na ang dami kong nagawang pag kakamali sa'yo. Alam ko kung paano at bakit nasaktan kita. Pero... kaya nga ako gumagawa ng paraan para mapatawad mo ako ulit e, para... para matanggap mo ako ulit sa buhay mo. Sobrang hinahanap-hanap ko yung mga oras na tinatanong mo ako kung ayos lang ba ako. Kung... pagod na ba ako. Kung masaya pa ba ako. Lahat ng 'yun, ikaw lang. Ikaw lang talaga e. Sabihin na natin na kinaya ko noon na wala ka sa tabi ko, pero ngayon? Hindi ko na alam kung kaya ko pa."
Umiwas ako ng tingin. Parang unti-unting nawawasak ang puso ko sa tuwing mag tatagpo ang mga mata namin. Parang may kung anong bagay ang sumasaksak sa puso ko, at ngayon ko na lang ulit ito naramdaman.
At iyon ay dahil pa rin sa kanya.
"Ikaw na mismo yung may ayaw na makapasok ako ulit sa buhay mo. P-pero, naiintinidihan naman kita kung bakit. Naiintindihan kita kung bakit ayaw mo na. Ang sakit lang kasi isipin e, sobrang sakit," ani niya.
"Biruin mo 'yun, yung mundo mo... ayaw na sa'yo."
Kung alam mo lang, Tyler.
"Could you tell me how to stop loving you? Or even where am I going to start... because I really don't know."
Ano bang isasagot ko sa mga salitang iyon?
Ginusto mo ito, Clarice.
"Tyler..." panimula ko. "You and I? We both shared an amazing story or maybe I could a Love Story. At sa istoryang 'yon, siguro pwede ko naman masabi na wala tayong talo. Oo, nasaktan man tayo pero natuto naman tayo, ako at ikaw. Alam ko naman at naramdaman ko na minahal natin ang isa't isa, walang duda. Naging masaya tayong dalawa, ngunit alam naman natin ang karugtong nito... ang lungkot. At yung sakit? It's too much for us to handle. Maybe that's the time were we had to let go of each other. You let me go and I did the same." I said.
The cold air that touches are body right now resembles our hearts.
Our eyes, is like a mirror. Where we can see each other while having so much pain.
And our mouth that keeps wanting to say I love you, but our mind is holding it.
"Don't worry, as time goes by. You will meet the person who's really for you. Its just so happen that... it's not me."
YOU ARE READING
Make You Mine
Fanfiction"You know that I won't stop until I make you mine." For her? Loving him is one of the most painful chapter of her life. But... after seeing her daughter's face? She knew that she did the right decision... (On-going) Disclaimer: All of these are us...