Today was the really tiring sunlight for me. I feel so exhausted. Syempre, bukod doon sa mga oras ipinapanganak ko si Cleo. Walang katulad ang emosyong nararamdaman ko ng mga oras na 'yun. Pakiramdam ko ay nasa isang gyera ako ng wala manlang kasama. Na... Kahit anong mangyari, kailangan ko protektahan ang anak ko. Kumbaga, siya muna bago ako.I want to go home. I want to feel at home. Gusto kong makita ang anak ko at yakapin siya ng mahigpit. Wala ng salita, kahit yakap lang. Kailangan ko lang ng lakas. Lakas kung paano ko pa maayos ang mga nangyayari ngayon. Kailangan ko makita ang ilaw na nag bibigay ng direksyon ng buhay ko. Kailangan ko siya ngayon.
Pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Kahit gusto ko, hindi pwede.
Ayokong makita niya akong miserable. Ayokong makita niya kung paano ako nasasaktan at kung gaano ako kawasak. Ayokong mahawakan niya ang mga luhang tumatakas mula sa mga mata ko. Ayoko na maramdaman niya yung bigat at sakit. Ayoko lang na masaktan siya.
Pero sino?
Sino yung taong pwede kong lapitan?
"Iha, kanina ka pa dito ah? Hindi ka pa ba uuwi? Malapit nang lumubog ang araw," ani ng isang matandang lalaki. Napatingin ako sa kanya at agad na ngumiti. "Hindi ko pa ho kayang umuwi, Tay," pagod kong ani. Agad ko ring iniwas ang aking tingin. Itinuon na lamang ito sa araw na malapit nang mag pahinga.
Napansin ko na iniwan niya muna ang binebenta niyang Ice Cream at dahan-dahang lumapit sa akin upang umupo sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba, anak?" Tanong niya. Pagka tapos niya banggitin ang mga salitang 'yun ay hindi ko na mapigilang mapaiyak. May isang taong nandiyan para sa akin. Meron... Merong nag tanong kung ayos lang ba ako.
"Hindi po ako ayos, Tay. Napapagod na po ako. Gusto ko na po na sumuko. S-sobrang sakit na po kasi e. Parang hindi ko na po kakayanin," wika ko habang patuloy parin ang pag agos ng luha ko mula sa aking mga mata. Bakit ba kasi laging ganito? Kung kailan tingin mo ay ayos kana, sasampalin ka naman ng tadhana ng katotohanan. Katotohanang kahit ilang beses mong takbuhan, hahabulin at hahabulin ka pa rin.
Hindi ka patatahimikin.
"Pu-pwede kang mag pahinga, anak. Hindi masamang huminto saglit upang mag isip. Dahil kahit anong bagal ng progreso, habang nag papatuloy ka, makakarating ka pa rin. Talagang nakaka pagod, pero buo ang tiwala ko na kakayanin mo. Para sa sarili mo at sa anak mo."
And that hits me.
Things are hard for me right now. But I think I can rest a bit right?
Siya si Tatay Rom. Mag iisang dekada na siyang nag bebenta ng Ice Cream dito sa parke kung saan ako nakaupo at nag papahinga. Maayos na ang buhay ng mga anak niya. Ginagawa na niya 'tong libangan. Hindi rin daw kasi sanay ang katawan niya na walang ginagawa. Nasaksihan niya lahat. Lahat, lahat. Kung paano ako unti-unting nabuo. Kung paano ako naging masaya. Kung paano ako napuno ng ligaya. Ngunit, kasama rin nun ang mga oras na walang-wala na ako. Kung paano ako unti-unting naubos. Sinakop ng dilim at hindi na makakita ng liwanag. Pagasa'y hindi na rin makita.
"Tingin mo, Tay? Kaya ko?" Wala sa wisyo kong tanong. Ngumiti lang siya sakin at dahan-dahang tinapik ang balikat ko. "Oo, naman. Nasaksihan ko ang bawat pag subok na dumating sa buhay mo. Kaya't nasaksihan ko rin kung paano mo nalagpasan ang lahat ng iyon. Makakaya mo ito, kaya mo."
Nag lalakad na ako ngayon pauwi sa bahay namin. Oras na para umuwi ako dahil tiyak ako na hahanapin na ako ng anak ko at magugulo na naman ang mundo ni Alleana dahil hindi niya alam kung paano patatahimikin si Cleo once na nag simula na 'yung umiyak.
Payapa ang klima ngayon. Malamig. Sakto sa pagkatao kong nanlalamig. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay tila'y isa itong palaisipan. Kasi nagagawa kong mag isip ng maayos kahit papaano. Hindi na masyadong magulo, hindi na rin masyadong mabigat ang nararamdaman ko.
Kukunin ko na sana ang earphone ko nang biglang nag-ring ang phone ko.
Agad ko itong kinuha dahil baka si Alleana na yung tumatawag.
Pagka tingin ko ay mali ang hinala ko.
It's not her. It's Tyler.
Sinagot ko ang tawag kahit tingin ko'y hindi pa ako handa.
"Hello?"
"H-hi,"
Huminga ako ng malalim bago nag salita.
"Please... if you're going to shout and threaten me again, save it for tomorrow. I'm tired. I've had enough."
"N-no, no. I-I won't do anything." He said. I can sense that he is trembling at this moment. Pakiramdam ko ay ibang Tyler ang kausap ko. He's not angry or anything.
"Then what do you need?"
"I just want to hear your voice to check if you're okay."
I'm not okay.
"Narinig mo na. Now, are you satisfied?"
Hindi siya ka-agad na naka sagot sa tanong ko. Naririnig ko parin ang hininga niya senyales na nasa kabilang linya pa rin siya.
"I'm sorry. I know that what I did was wrong. I'm sorry."
He's not defending himself.
"Tyler... I just want to ask you something."
"W-what is it?" Kahit nag aalangan ay sumagot pa rin siya.
"Bakit?"
He stayed silent.
"Bakit tayo umabot sa ganito? I mean... w-what went wrong?"
Ewan ko na talaga. Alam na nga yung sagot, tinatanong ko pa.
"Before... All I want is to love you. H-hindi ko alam kung bakit kita minahal. Hindi ko alam kung bakit kahit ang sakit-sakit na, nananatili parin ako sa tabi mo. Hindi ko alam kung bakit kahit sobrang sakit ng pag mamahal mo, e gustong-gusto ko parin 'yun."
"Wala... Hindi ko talaga alam."
He's crying on the phone. I can hear it, I can feel it.
"But there is one thing I am sure."
"C-cla-"
"That I... I still love you."
YOU ARE READING
Make You Mine
Fanfiction"You know that I won't stop until I make you mine." For her? Loving him is one of the most painful chapter of her life. But... after seeing her daughter's face? She knew that she did the right decision... (On-going) Disclaimer: All of these are us...