Chapter 4

279 10 1
                                    


Hindi ko alam kung anong masamang elemento ang pumasok sa sistema niya ngayong araw. Maaga pa, ngunit pang tanghali na agad yung mood niya. Wala pa naman akong ginagawang masama diba? Pero kung makaasta siya sakin akala mo naman. Nako, kung hindi ko lang talaga kailangan 'tong trabaho na 'to.

Pagka banggit niya nun ay agad akong sumabay sa kanya at sumakay sa kotse niya. Ayokong masesante 'no! Marami pa akong kailangan pag ipunan. Hindi pwedeng basta-basta nalang mawala sakin 'tong trabaho ko nang dahil lang sa kanya.

Habang nasa daan kami ay hindi ko maiwasan na tumingin ng saglit sa kanya. Kung noon, sa tuwing tinititigan ko siya ay tila mas nadadagdagan ang pag mamahal ko sa kanya. Yung parang mas minamahal ko pa siya ng todo. Pero ngayon, hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Kumakain parin kaya siya ng maayos? Sinusunod niya parin kaya yung sinasabi ko noon na 5 Genuine Smiles a day? Hindi na kaya siya burara ngayon? Hindi na kaya siya nawawalan ng gamit? Kung okay lang ba siya?

Pero siguro naman ay inaalagaan siya ng asawa niya.

Gusto ko siyang tanungin. Pero ayoko. Hindi ko kayang gawin.

Napapikit nalang ako at huminga ng malalim. Kahit na hindi naging maganda yung pag tatapos namin, hindi ko maiwasan na isipin parin siya. Oo, sabihin na nating galit ako. Pero wala eh, hindi ko maalis yung pag mamahal ko sa kanya. Dahil sa tuwing tinitignan ko ang anak ko, siya ang una't huling pumapasok sa utak ko.

They're really looked like each other. Cleo's like a carbon copy of Tyler. Mapa-mata, ilong, labi, maging hanggang sa pag ngiti. Parehas na parehas. Kaya hindi talaga sila pwedeng mag kita, dahil sa oras na mangyari 'yun, alam kong mag hihinala na siya agad.

Minsan akong nanaginip. Mag kasama si Cleo and Tyler. Masyang nag tatawanan, sandamakmak ang mga halakhak mula sa kanila. Yung mga boses nila ang nag papakalma sa akin. Binibigyan ako ng dahila para mas mag patuloy pa.

Oo, naging selfish ako. Naging makasarili ako dahil hanggang ngayon, patuloy ko paring ipinagkakait kay Tyler ang maging isang ama sa anak ko. Pasensya na, ina lang ako. Nandoon parin sakin ang takot at galit. Hindi ko iningatan at minahal ang anak ko para lang saktan nang kung sino-sino.

Ayokong makihati ang anak ko sa pamilyang alam kong sasaktan lang siya. Ayokong isipin niya na anak siya sa labas, gayong siya naman ang naging unang anak.

Napabalik nalang ako sa reyalidad nang mag salita siya.

"We're here," malamig niyang ani. Tumingin ako sa paligid at nakitang nandito na nga kami sa Ateneo. Nauna siyang bumaba at sumunod narin ako. I can't help but to look around. Ang daming nag bago, maraming nadagdag, but it feels the same. Sa bawat sulok na aking nakikita ay tila bumabalik ang mga masasayang alala, maaari naring maisama ang masasakit.

While walking through the aisle of our alma mater, it feels nostalgic. I can't help but to smile and reminisce some really good memories. Nakasunod lang ako sa kanya na tinatahak ang direksyon papuntang gym. Medyo nakalimutan ko narin ang mga daan kaya't nakasunod lamang ako sa kanya.

We used to walk here while holding each other's hand. Sa tuwing nag lalakad kami dito noon, pakiramdam ko'y hindi na ako mauubusan ng dosage ng kilig. He once made me feel that I am home, na mayroon akong tahanan.

Siya ang naging sandalan ko nung mga panahong nalaman ko na anak lang ako sa labas. That I am not his legal child. Hindi ko alam kung saan ako tutungo ng mga oras na 'yun. I felt betrayed. All this time, I thought they were my real siblings. Ngunit biglang nag bago ang lahat nung nalaman ko ang totoo. I once distant my self to them. Nahihiya ako. Nahihiya ako para sa sarili ko.

Ngunit dumating siya nung mga panahong akala ko'y wala ng tao ang handang tumanggap at intindihin ako. He did everything para maging okay ako. Ginawa niya ang lahat para masigurong ligtas ako. Binigyan niya ako ng isang tahanang mahirap iwanan.

Kaya mas minahal ko siya noon e. Kung gaano kalalim ang pag mamahal ko sa kanya, ganoon din ang lalim ng sugat na iniwan niya sakin.

But I think Cleo taught me to forgive. That, I shouldn't live my life with full of anger and pain. Whenever she smiles at me, all of it's suddenly fades away. Kaya ngayon, ay patuloy ko paring sinisikap na mag patawad. Oo, hindi madali. Ngunit natutunan naman.

Napansin kong malapit na kami. Natanaw namin ang isang guard na nag babantay. Nang mapansin niya kami ay agad itong ngumiti at kumaway.

"Oh, Mr. Tio! Napadalaw po ulit kayo? Ano pong atin?" Masayang bati ni manong guard pag dating namin sa harap niya. Nginitian lang siya ni Tyler.

"Actually, I'm scheduled to be here. Nandiyan na po ba yung mga bata?" Tanong ni Tyler. Agad namang tumango si kuya. "Opo, Sir. Sabi nila ay may inaantay daw po sila. Hindi ko naman po alam na kayo 'yun," ani niya. Ngumiti lang si Tyler at tinapik ang balikat nito. Pumasok na siya at ako'y nakasunod lamang.

Mabuti pala at dala-dala ko na lahat ng gamit ko. Hindi ko naman alam na di-diretso na kami dito. Paano nalang kung hindi ko 'to dala? Babalik ulit kami? Hays.

Nang makapasok kami ay agad na natigil ang mga kulitan nila. Napansin kong buong team nila ang nandito. Even Coach Tab is here. Agad silang tumayo ng maayos at humarap sa amin.

Umalis ako sa likod ni Tyler at tumabi sa kanya. Agad kong nakita si Dwight at Gio. Nang mag tama ang aming mga mata ay agad akong ngumisi sa kanilang dalawa. Dati-dati lang ay mga bata pa 'tong mga 'to. Kita mo naman ngayon, ang lalaki na ng mga katawan at mas matangkad pa sakin.

"So, they're already here. I know you knew them, right? But, first I want to introduce to you, Mr. Tyler Tio, and right beside him is Dr. Dela Cruz. They will be providing all of you some medical and health practices that will help you with your body management and eventually, in games," he explained. Woah, I miss Coach Tab. He knew me because isa akong dakilang tambay dito sa gym nila noon.

Pag katapos ng pag papakilala ay nagulat kami ng biglang sumigaw si Dwight at Gio.

"Ate! We missed you!" They shouted and run to my direction. Napatawa ako sa kanila at sinalubong sila ng isang mahigpit na yakap.

"Huy! Bakit kayo sumigaw. Nakakahiya sa mga teammates niyo, oh! Muntik pa kayong mapaiyak. Akala tuloy nila mga crying babies kayo," ani ko habang hawak hawak ang mag kabilang kamay nila.

Ngumuso naman si Gio. "I don't care ate! Bakit? 'Diba kami naman ang una mong mga babies? Or else... may iba kanang baby," he said while smirking at me. Pinandilatan ko siya ng mata. Nako, issue 'to ah.

"Hm, that's right! You should show me your new baby," Dwight seriously said to me. What? Nahihibang na ba 'tong dalawa na 'to. Mamaya marinig pa tayo ng isa diyan.

Mag sasalita pa sana ako nang biglang mag salita ang taong kanina pa masama ang tingin sa amin.

"Hey, both of you. Can you please stop that?"

Make You Mine Where stories live. Discover now