Chapter 11

244 8 2
                                    


"Ali, meron pa ba tayong mga scheduled patients ngayon?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang bag ko. Tinungo niya ang lamesa niya at tinignan ang papel na nakalagay doon. Umiling lang siya sakin.

"Wala na po, Doc. Last na po 'yung kanina," ani niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Finally, makaka-uwi na rin. Dalawang araw din akong hindi naka-uwi ng bahay dahil sinalo ko yung shift nung kasamahan ko. Bigla kasi siyang nag-karoon ng emergency and ako nalang yung may vacant days kaya ako nalang muna yung naatasan.

"Oh, paano. Mauna na ako ha. Pagka-tapos mo diyan, umuwi ka na rin," paalam ko sa kanya. Ngitian niya lang ako at nag paalam na rin. Lumabas na ako at iniwan na siya sa loob. Ang sakit ng katawan ko dahil wala akong tulog na maayos.

Habang nag-lalakad ako palabas ay ngiti lamang ang aking isinusukli sa mga taong bumabati sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero noon naman, hindi naman ganito. Wala masyadong bumabati at parang civil lang, pero ngayon? Parang kilalang-kilala na ako dito.

Dalawang linggo ang nakalipas simula nung mangyari ang pag-uusap na 'yon. Gumaan yung pakiramdam ko at unti-unting nabawasan yung galit at sakit. Siguro kasi, namulat na yung mga mata ko? Siguro kasi hindi na ako bulag sa katotohanan? Ewan ko, hindi ko rin mawari.

Tyler and I... somehow, parang okay na kami. Parang lang muna dahil hindi pa ako sigurado. We're talking sometimes, pero hindi ganoon katagal. I was able to look at him without having some unsual feelings. Nagagawa ko na ring makatiis sa presenya niya. Siguro kasi hindi ko na sa kanya isinisisi ang lahat.

Closure? 'Yun ata yung nangyari sa amin nung huli.

Sa mga unang araw pagka-tapos mangyari ng pag-uusap na 'yun, I can say na everything's so awkward. Whenever I look at him? I feel like I'm in the moon, floating everywhere. Lagi akong sabaw! Pero siya, wala naman akong napansing kakaiba sa kanya. Ganoon parin siya. Siguro, nabawasan lang ng kaunti yung pag-susungit niya sakin. Kaunti lang naman.

Sa ilang oras na byahe ay nagawa ko ring makauwi. Nang makatapak ang aking mga paa sa aming bahay ay agad na hinanap ng aking mga mata ang anak ko. I really miss her. Parang ang dilim ng buhay ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Ang lungkot, lungkot.

"Mummy!" Sigaw niya nung makita ako. Agad nabuo ang isang ngiti sa aking labi. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at agad siyang kinuha upang mayakap. I feel safe and love in her arms.

"Mommy misses you so much," bulong ko sa kanya. She giggled when I've said that. Hindi ko maiwasan na mapa-iyak sa tuwing naririnig ko ang mga tawa niya. Kasi... everything is so worth it. Lahat, lahat.

"Ikaw talaga, anak. Tama na ang iyak, sige na. Umakyat na muna kayo sa taas at doon mag-lambinga," mahinang ani ng mama ko. I nodded and smiled to her. "Thank you, Ma," pasasalamat ko bago kami umakyat.

Pag-dating namin sa kwarto ko ay agad ko siyang inilipag sa aking kama upang doon muna iwan dahil mag-bibihis muna ako. As much as possible, hindi ko pinapatagal na suot ko ang damit na ginamit ko sa hospital dito sa loob ng bahay. Who knows? Baka kung anong sakit na ang dala ko.

Nasabik lang ako sa anak ko kanina kaya hindi ko ito nagawa agad. Sorry na, tao lang.

Pag-balik ko ay nakita kong nag-lalaro lang siya doon sa kama ko. Tumatawa at ngumingiti sa tuwing nakikita niya ang mga bagay na bago sa paningin niya.

"Baby," mahina kong ani sabay upo sa tabi niya. Hindi niya ako pinansin at patuloy parin sa pag-lalaro. Bumuntong hininga ako. "I've met your daddy... several times already," I said. At that point, napa-tingin na siya sa'kin. "D-daddy?" She asked me. Halatang nahihirapan pa siya banggitin ang salitang 'yon dahil ito ang unang beses na sinabi ko ito sa kanya.

Ngumiti ako at marahang tumango sa kanya.

"Yes, baby," sagot ko. Tumigil siya sa mga ginagawa niya at tinignan ako ulit. "Daddy?" pag-uulit niya. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang dapat sabihin sa mga ganitong pag-kakataon.

Kung may isang bagay man akong hindi nagawang masabi kay Tyler nung panahon na 'yun... ay yung katotohanan na may anak kaming dalawa. Hindi ko kasi kaya. Pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin.

Oo, sabihin na natin na mali ang iniisip ko noon kay Tyler dahil sa paliwanag niya, pero ibang sitwasyon ito. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Magagalit ba siya? Matutuwa? Maiinis? Wala. Hindi ko alam.

Malay ko ba kung tatanggapin niya kami sa buhay niya? He has so many priorities at hindi ko kakayanin na malaman na hindi niya kami pwedeng maisingit manlang sa mga 'yun.

Sometimes it's better to hide, or otherwise you'll just ended up getting hurt. I want to hide my daughter. Hindi ko kakayaning masakatan siya. Pero... hanggang kailan ko siya kayang itago?

Alam ko na darating ang panahon na malalaman niya rin ang totoo, maliit ang mundo at mayaman siya. Kayang-kaya niya akong pa-imbestigahan at malaman ang katotohanan. Pero hindi pa ako handa e.

"You really looked like your Daddy, anak," nakangiti kong wika habang inaayos ang buhok niya. "Huwag kang mag-alala... kapag dumating yung panahon na hahanapin mo na ang daddy mo, hindi ko siya ipag-kakait sa'yo, anak," ani ko.

"Lahat kakayaning ibigay sa'yo ni Mommy, anak. Even if it hurts, Mommy can endure it just for you."

Mag-sasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang telepono ko. Tumayo ako at kinuha ito sa bag ko upang malaman kung sinong ponsyo pilato 'yon.

Nung nakita ko, si Tyler pala.

I answered the call.

"Hello?"

"Uhm, Hi! Are you busy?"

"Hindi naman, bakit? May kailangan ka?"

"Wala. Wala naman. Just checking on you."

"Huh? Bakit? May banta ba sa buhay ko?"

"HAHA. You're not funny."

"Then, bakit nga? Istorbo ka kasi e."

"Ouch! It really hurts me though."

Naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong ibang boses sa kabilang linya.

"Babe? What are you doing?" Boses ng isang babae.

Hindi ako kaagad nakapag-salita.

Ano ba ang dapat sabihin?

"Stop it, Swinter!"

I-I can't hear this anymore.

"Kung mag-lalandian lang naman kayo, please. Don't even bother to make me hear it. It's so disgusting. And, come on, Tyler. You're better than this."

So, they back?

Make You Mine Where stories live. Discover now